Hold
Violet's POV
"🎶 Oo nga pala, hindi nga pala tayo..
Hanggang dito na lang ako..
Nahihilo, nalilito..
Asan ba ko sayo? Asan ba ko sayo?
Nahihilo, nalilito..
Asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo?
Nahihilo... Nahihilo... Nalilito... 🎶 " kanta ko at ini-strum ang huling chord sa kanta.
"WWWWOOOOOHHH!"
"LG! LG! LG!"
"ILABYU LIGHTNING GLAZZZEEEE!"
Napangiti naman ako sa mga hiyawan ng mga audience namin.
"Thank you everyone! Have a blast tonight!" sambit ko at isa-isa na kaming bumaba ng mga kabanda ko sa stage at agad kaming sinalubong ni Manager Elle kasama sila Steven, Max, Dimple, at Kirs.
"Ang galing-galing niyo talaga!" masayang sambit ni Manager Elle.
"Syempre, ang galing kaya ng vocalist namin." uminit naman ang pisngi ko sa sinabi ni Terrence at hinawakan ang beywang ko.
"Sus! Ayan ka nanaman sa mga banat mo Terrence." tawa ni Charles.
"Hayaan mo na nga lang sila Santiago. Napaka-kontrabida mo talaga." sabi naman ni Dimple kaya nilapitan siya ni Charles at inakbayan.
"Sorry na Mrs. Santiago." sabi ni Charles kaya napa-"yieee" kaming lahat.
"Tara na-- Oh by the way Terrence. Nandito parents mo." sambit ni Manager Elle kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Sinabihan ko kasi silang pumunta dito. Thanks by the way Manager." nakangiting sabi ni Terrence.
"Sige puntahan mo na muna sila---"
"Ipakilala mo na din si Vi, Terrence--"
"W-wag muna." agad kong sabi. Naramdaman kong tinignan nila akong lahat.
"Oh bakit?" tanong ni Max. Yumuko ako.
"Kami nalang ni Vi ang maguusap tungkol dito. Sige na, mauna na kayo sa VIP Lounge." sambit ni Terrence. Tumango na lamang sila at umalis na.
Hinarap naman ako ni Terrence sa kanya.
"Babe--"
"Terrence ayoko pa. Hindi pa ako handa--"
"Vi, I gave you a long time already. Saka sabi ko naman sa'yo diba, I'll be there with you." sambit niya. Napayuko ako. "Vi look at me." sinunod ko naman siya at tumingin ng direkta sa kanya. "I told you to be positive right?" tumango naman ako. "Alam kong magugustuhan ka nila para sa'kin Vi. At kung hindi man, diba sinabi ko sa'yong ipaglalaban kita at hindi kita iiwan kahit anong sabihin nila tungkol sa'yo?" dahan-dahan akong tumango. "Mahal na mahal kita Vi at kahit anong mangyari hinding-hindi kita iiwan okay?" dugtong niya at niyakap ako.
This guy really loves me. Argh.
Ilang saglit lang ay kumalas na din siya yakap. He cupped my face and held my hand after.
"Tara na. Naghihintay na sila."
Huminga muna ako ng malalim bago kami maglakad papunta sa table kung saan nandoon ang parents ni Terrence.
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Teen Fiction[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...