Chapter 61

82 3 2
                                        

Dulo

Terrence's POV

Kasalukuyan ako nagd-drive papunta sa agency para sa practice naming banda sa isang gig. 

Nakangiti lamang ako sa buong biyahe dahil sa nangyari sa'min ni Vi nitong mga nakaraang araw.

It feels so surreal. The girl that I love for almost 4 years, loves me back. And she's still into me, that's what matters.

Alam na ng lahat ang nangyari sa'ming dalawa. Na masaya na kami ulit. 

Pero hindi pa kami. 

But sooner or later, I'll ask her to be my girlfriend.


"Bakit ba ayaw mo pa siyang tanungin kung pwede mo na siyang maging girlfriend?" tanong ni Charles.

"I have to take it slowly Charles." sagot ko. 

"Oo nga naman kasi Santiago. Bakit mo ba kasi pinagmamadali si Terrence ha?" natawa naman ako sa sinabi ni Lean.

"Sorry naman. Eh kasi naman diba, they have mutual feelings for each other. Bakit kailangan pang patagalin diba?" bumuntong-hininga naman ako sa sinabi ni Charles.

"'Tol, wala pang 1 month since nag-break sila ni Aiden." sagot ko naman.

"Oo nga. Ikaw nalang kaya maging boyfriend ni Vi ano Charles---"

"Oy yo yoy di pwede yan! May GF na ako! Loyal ako 'no!" natawa naman kami sa sinabi ni Charles.

"Aba't talagang di pwede malalagot sa'kin si Charles pag nagkataon." tawa ko. "Tama na nga. Tara mag-practice na tayo---"

"Guys!" napatingin naman kami kay Manager na kakapasok lang ng studio at malaki ang ngiti.

"Oh! What's with the good mood Manager?" tanong ni Lean.

"Kasi may nagbabalik." nagkatinginan naman kaming tatlo. 

WAIT?! WHAT?!

"HI GUYS!" nanlaki ang mga mata ko nang makita ko nga si Vi.

"BAYOLEEEETTTTT!!!!" sigaw nila Lean at Charles at niyakap si Vi. 

"I MISSED YOU BOTH!" sambit ni Vi at kumalas na sila Charles at Lean. 

Tinignan niya ako at ngumiti. Tinignan ko lang siya at ngumisi. I opened my arms na parang senyales para yakapin niya ako. Lumapit siya at yayakapin sana ako nang hawakan ko ang ulo niya para di makalapit sa'kin. She pouted.

"Oh game tara na practice na. Thanks for coming back Violet." asar ko habang nakangisi. Naka-pout pa din si Vi. 

"Sige na. Mag-practice na kayo. Nasa office lang ako ah?" ngisi ni Manager at lumabas na tuluyan ng studio. 

"Okay! Tara. Get on your positions." sambit ko. Nakita kong umirap si Vi. 

Geez, she's so cute!

"Wala man lang pa-welcome. Tch." bulong niya sa sarili niya pero narinig ko at nagkunwaring hindi.

"Ano yun Vi?" pagkukunwari ko. 

"Wala po. Sige na ho, mag-practice na po tayo." sarkastiko niyang sagot. 

Fudge, I really love this girl.

"Alright." simple kong sabi.


Sa totoo lang, nagtatampo ako sa babaeng 'to dahil hindi man lang niya sinabing babalik na pala siya ng banda. Kaya buong akala ko hindi na siya babalik. 

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon