Chapter 27

62 1 0
                                    

Lalayo

Ilang buwan na din ang nakalipas magmula nang lumayo na ng tuluyan sa'kin si Terrence at lagi nalang siyang galit sa'kin sa tuwing nagp-practice kaming banda. Na, ipinagtataka na nila Lean at Charles.

March na ngayon at hindi ko alam kung bakit sobrang bilis tumakbo ng panahon. 

Birthday ko na sa 18. 

Natauhan ako nang biglang tumigil sa pagtugtog ang mga kabanda ko.

"Ano ba, bakit ka ba nawawala sa beat?!" iritableng tanong ni Terrence sa'kin. 

"H-hindi ako nawawala--"

"So ano? Kami yung maga-adjust para sa'yo?!" napayuko na lamang ako. "Ano?! Yuyuko-yuko ka nalang diyan?!" nagbabadya nanamang tumulo ang luha ko nang lapitan na ako nila Lean at Charles. 

"Ano ba 'tol? Bakit ba parang ang taas-taas ng dugo mo dito kay Vi?" tanong ni Lean habang naka-akbay sa'kin. 

"Oo nga Terrence. Ano bang problema mo ha? Hindi ka naman ganyan dati kay Vi ha?" tanong din ni Charles. 

"Alam niyo, napaka-pakialamero ninyo eh. Kung bumalik nalang kayo sa mga pwesto ninyo! Ano bang pake ninyo kung pinapagalitan ko itong bokalista natin?!" sigaw niya at tuluyan ng tumulo ang luha ko. 

"Ano ba 'tol?! Nasasaktan na si Vi!" pagpo-protekta sa'kin ni Lean. 

"Namimihasa yan sa inyo! Masyado niyo kasing ini-ispoil! Kaya ayan, nagi-inarte!" sigaw niya at tinuro-turo pa ako. 

"Pwede ba Terrence tumigil ka na sa ka-t*r*nt*duhan mo!" sigaw pabalik ni Charles. "Kita mo na ngang nasasaktan mo na yung tao diba?!" 

"Wala akong pake." sarkastikong sabi ni Terrence at padabog na lumabas ng studio. Iyak na lamang ako ng iyak. 

Hinarap ako nila Lean at Charles. Binigyan naman ako ni Lean ng upuan para makaupo doon.

"S-sorry guys, n-nadamay pa k-kayo. *sobs*" sabi ko at umupo na.

"We're just protecting you from him Vi." sabi naman ni Lean habang tinatahan ako. 

"Ano bang problema nun sa'yo?" tanong naman ni Charles. "Parang nung pagkatapos ng concert natin ang init na ng dugo niya sa'yo. May problema ba yun?" umiling naman ako. 

"K-Kasalanan ko din naman kung b-bakit siya nagkaka-ganyan. *sobs*" sagot ko. 

Natahimik na lamang ang dalawa habang patuloy pa din akong tinatahan.

~*~*~*~*~*~*~

Aaminin ko, nagtanim ako ng sama ng loob kay Candace dahil sa ginawa niya. Oo, wala siyang alam tungkol sa nararamdaman ko para kay Terrence, pero mali pa din iyon. 

Iyak lang ako ng iyak sa kwarto ko. 

"Nak? Tulog ka ba?" narinig kong sabi ni Mommy mula sa labas ng kwarto ko. Agad kong pinunasan ang luha ko.

Nawalan ako ng lakas na sagutin si Mommy ng "Hindi."

"Papasok ako ha." sabi ni Mommy at naramdaman ko nang nakatapak na siya sa loob ng kwarto ko. Naramdaman ko ding may nilapag siyang kung ano sa kama ko. 

"Kumain ka na muna nak. Ilang araw ka ng nagmu-mukmok dito sa kwarto mo. Baka naman gusto mong lumabas?" sabi ni Mommy. 

"Wala po akong gana Mom." simple kong sagot habang niyayakap ang unan na katabi ko.

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon