Chapter 7

77 1 0
                                    

Overnight

"Okay class, that's all for our discussion. May 10 minutes pang natitira kaya pwede pa kayong mag-usap-usap with your research partners. Go now." padabog kong nilapag ang ballpen ko sa table ko. 

Ang malas ko talaga!

"Oh ano couz, di ka ba tatayo diyan? Makipag-usap ka sa partner mo baka pagalitan ka pa ni Sir--- Aray!" reklamo niya nang sapakin ko na. 

"Manahimik ka! Hayaan mo siyang lapitan ako. Bwisit siya." sagot ko sabay sandal sa upuan ko. "Sige na, puntahan mo na si Maxienne. May pagka-grade conscious din yun kaya puntahan mo na." dugtong ko. 

"Tsss. Kung pwede lang magpalit ng partner--"

"Aba! Kung pwede nga edi sana kanina pa ako nakipagpalit diba?! Sige na! Wag ka ng mag-reklamo! Puntahan mo na siya!" sigaw ko sa pinsan ko kaya napangiwi nalang siya at nilapitan ang bespren ko. 

Tinignan ko ang PAKNER kong nakasalampak ang earphones sa kanyang tenga at mukhang wala talagang balak na lapitan ako para sa epal na thesis na 'to. 

Ganito lang ako magsalita sa mga subjects ko pero grade conscious din ako. Seryoso din naman ako sa acads ko!

Mukhang hindi lang ako makakapag-seryoso ngayon dito sa Practical Research na sub dahil sa ka-PAKNER ko. 

"Mr. Chua and Mr. Reyes. Ano? Hindi ba kayo maguusap tungkol sa Chapter 1 ninyo? Deadline niyan ay sa Monday na. I'm gonna remind you. No research paper and defense, no moving up to Grade 12." 

Nakita kong padabog na nagtanggal ng earphones ang PAKNER ko. 

"Yes Sir." sabay pa naming sagot sa teacher namin.

Nagulat ako nang maglabas ng notebook at ballpen ang mokong sabay lumapit sa'kin at umupo sa upuan ni Steven na katabi ko. 

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. 

"Malamang para sa research. Ano bang tingin mo sa'kin? Walang pake sa acads?" sagot niya. "Mapipilitan lang akong gawin 'tong kasama ka dahil kailangan---"

"Para namang di ko alam na napilitan ka lang. Hindi ka nagi-isa." iritable kong sabi sa kanya.

Tumagilid ako para kunin ang isang notebook and ang eyeglasses ko sa bag ko na nasa gilid ko. 

Nakita kong nanlaki ang mga mata ng kumag nang nakita niyang nagsuot ako ng salamin. 

"Oh? Anong problema mo?" tanong ko sa kanya pagkasuot ko ng salamin ko. 

"You're wearing glasses?" tanong niya. 

"Oo. Anong pake mo?" tanong ko ulit. 

"Wala." Sagot nalang niya kaya inirapan ko nalang.

Agad naman akong nagsalita tungkol sa gagawin namin sa research. 

Pero nang tumingin ako sa kanya, aba! Hindi nakikinig ang kumag kong PAKNER!

"HOY!" sigaw ko sabay batok sa kanya.

"Aray! Ano ba?!" reklamo niya. 

"Anong-ano ba?! Kanina pa ako nagsasalita dito tungkol sa gagawin natin tapos ikaw di ka nagkikinig ha!" iritable kong sagot sa kanya. Aamba pa sana akong babatukan siya nang lumayo siya sa'kin. 

"Geez! Kumalma ka nga lang! Nakikinig ako!" nanlisik ang mga mata ko sa kanya. 

"Sige nga! Anong sinasabi ko kanina?!" pasigaw kong tanong sa kanya. Napakamot lang sa ulo ang mokong kaya sinapak ko na. 

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon