Hanggang
"Okay guys. Ilang weeks nalang at Christmas Ball na." sabi ni Dimple sa harapan naming lahat. "Isa daw ito sa mga treat sa'ting mga seniors. Kaya make sure, that all of you will be able to attend it." dugtong niya. "Understood?"
"Yes!" sabay-sabay naman na sagot ng mga kaklase ko.
"So that's it for today. Sige, pwede na kayong umuwi." sabi ni Dimple.
Napabuntong-hininga na lamang ako nang lapitan na ako nila Max, Dimple, Kirs, at Steven.
"Okay ka lang Vi?" tumango naman ako.
"Oo naman. Bakit naman hindi?" sagot ko.
"W-wala lang. Nakakapanibago lang ang tahimik mo kasi." sambit ni Kirs. Ngumiti naman ako.
"Don't worry about me guys. Okay lang ako." sagot ko. Tumango-tango na lamang silang apat at napagpasyahan naming umuwi na.
Nang makarating na kami sa gate ng school ay naaninag ko ang pamilyar na sasakyan.
"Oh! Bat' nandito 'tong range rover ni Terrence?" takang tanong ni Max.
"Kasi nandito ako." nagulantang naman kami sa nagsalita sa gilid namin at nakita si Terrence na nakapameywang.
*dugdugdugdugdugdug*
Nakasuot siya ng long sleeves na nakatupi na kulay navy blue with khaki shorts at sneakers at naka-sunglasses pa ang gwapong kumag na ito.
"Oh! Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Dimple. Nagtanggal ng sunglasses si Terrence.
"Inaantay yung napaka-kupad ninyong kaibigan." malamig niyang sagot at tumingin sa'kin.
Oh shems! Oo nga pala, may practice para sa isang gig bukas!
"A-ah! Oo nga pala guys. M-may practice pa kami. Babye!" nagmamadali kong sabi sabay takbo sa range rover ni Terrence at binuksan na ang pintuan sa front seat at sinara din ito pagkasakay ko sa loob. Nakita kong kumaway siya sa apat at pumasok na din sa kanyang range rover.
Tinitigan ko lang siya habang nagsusuot siya ng kanyang seatbelt.
"Wag mo 'kong titigan. Suotin mo yang seatbelt mo." napaiwas ako ng tingin sa kanya at tahimik na sinuot ang seatbelt.
We've been like this since noong pagtapos ng birthday ni Dimple. Laging awkward, walang kibuan. Oo, goal nga ni Dimple na magka-ayos-ayos kami, but to be honest, para sa'kin. Things got worse.
Worse para sa'min ni Terrence.
Pero kahit na ganun, maayos na din kami ni Candace na nagpatuloy na muli sa kanyang pagm-model. Si Aiden naman ay kahit na kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya ay pinapakita niya pa ring seryoso siya sa'kin at mahal niya ako.
Tinignan kong muli si Terrence at seryoso lang ito sa pagd-drive.
Bakit ba kasi hanggang ngayon siya pa din kahit na ilang ulit niya na akong sinaktan?
"Stop staring Vi. You're distracting me." malamig niyang sabi. Napaiwas na lamang ulit ako ng tingin at binaling sa windshield. But I really can't help looking at him.
Kailan mo ba ako mapapansin Terrence?
~*~*~*~*~*~*~*~
" 🎶 And then we both go down together, we may stay there forever. I'll just try to get up.
And I'm sorry, this wasn't easy. When I asked you, believe me.
You never let go, but I let go. 🎶" kanta ko at ini-strum ang huling chord sa kanta.
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Fiksyen Remaja[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...
