Chapter 28

72 1 0
                                    

I wish I could turn back time.

"Cheer up bes." sambit ni Max habang kumakain kami sa bahay nila matapos kong ibigay ang resignation letter ko kay Manager Elle.

"Bes, tingin mo ba tama yung ginawa ko?" tanong ko sa kanya.

Sa totoo lang, na-guilty din ako sa ginawa ko dahil wala man lang akong pasabi kila Lean at Charles.

"Oo bes. Tama lang yun, basta makalayo-layo ka sa mga cancer na tao tulad ni Terrence." sagot niya.

"Cancer?"

"Yung mga taong wala namang pake sa'yo. Toxic people na wala namang ibang ginawa kundi ang saktan ka." sagot niya.

"Pero, na-guilty din ako kasi syempre, wala man lang akong pasabi kila Lean at Charles. Pinaiyak ko din si Manager Elle." sambit ko.

"Maiintindihan ka naman siguro nila Vi. Sa mga inaasta ni Terrence tingin mo ba hindi pa sila papayag na umalis ka?" sabi ni Max at sumubo sa kanyang chips.

"Hays." hinawakan niya ang balikat ko.

"You know what para naman mag-light up kahit papaano yang mood mo. Sakto, "Gastodera day" ko ngayon." sambit niya sabay ngiti. Napangiwi naman ako. "Ililibre kita ng foods, magsh-shopping tayo, ipapa-ayos kita---"

"Ipapa-ayos? Hindi naman ako sira Max." tumawa siya sa sinabi ko.

"Ipapa-ayos ko yang puso mong wasak sa pamamagitan ng pag-tambay sa salon at spa. Alika ka na!"

~*~*~*~*~*~

"Curl the ends of her hair, tas pakulayan na din ng ombre chestnut. Tapos paki-make-upan siya ng... simple lang. Parang pang-everyday look lang.. Tapos.."

Hindi ko na lamang pinakinggan ang mga pinagsasabi ni Maxienne sa ilan sa mga tauhan dito sa salon and spa na pag mamay-ari ng Tita niya.

Nang napukaw ng aking pansin ang isang picture-poster na nakasabit sa wall ng salon and spa.

Picture ng LG na wala ako.

"Tapos manicure and pedicure and then full body massage. Okay?" rinig kong sabi ni Max.

"Okay po!" sabi ng mga tauhan kaya lumingon na ako sa kanila at napansin ata ni Max na nakita ko ang poster na nakasabit kaya agad niya akong nilapitan at inilayo doon.

"I'll tell my Tita na ipatanggal ang poster na iyan para sa susunod na isasama kita dito ay hindi mo na makikita yan." sambit niya sa'kin. "Let's go, magsimula na tayo!"


Nags-scroll lamang ako sa aking IG account habang inaayos ang aking buhok nang lumabas sa notification ko na nagpost sila Lean at Charles ng photo.

rleancastro posted a photo.

Agad kong binuksan ang notif at nakita ko ang picture naming dalawa na nakangiti habang naka-akbay siya sa'kin. Kuha ata ito matapos ang isang gig namin. B&W ang filter ng photo. Binasa ko ang caption.

Why do you have to go? :(

Kinurot naman ang puso ko sa caption niya at nag-scroll ako sa mga comments.

"Did she resigned?"

"Umalis na ba siya ng LG? :O"

"Naging kayo po ba ni Ate Vi, Kuya Richard? Nag-break po ba kayo? :O"

"What happened? You look so happy in this photo. :("

"Charles Santiago did the same. I think Vi left the band."

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon