Chapter 56

81 2 0
                                    

Lalayuan

Violet's POV

"I GIVE UP!" singhal ko at napaupo na lamang. Kanina pa ako tawag ng tawag kay Aiden pero hindi man lang niya ito sinasagot.

Napatingin ako kay Terrence na noo'y kanina ko pa pala kasama dito kasalukuyan siyang nags-scroll sa kanyang phone.

*dugdugdugdugdugdug*

Stop this heart. I don't love him anymore.

I think I was really to harsh on him a while ago. Nasaktan ko siya sa mga sinasabi ko. 

Pero iyon naman talaga ang totoo. At dapat lang sa kanya ang masaktan dahil iyon ang naranasan ko sa kanya dati.

Napasinghap na lamang ako at magb-book na ng ride sa Uber nang biglang hablutin ni Terrence ang phone ko.

"Hey give it back!" sabi ko.

"Why book an Uber kung nandito naman ako para ihatid ka pauwi?" 

*dugdugdugdugdugdug*

"I can take care of myself---"

"No. And its late already. Tingin mo ba may mab-book ka pang Uber--"

"Oo!"

"Sa layo mong 'to?" nanliit na lamang ang mga mata ko at tuluyang kinuha sa kanya ang phone ko. "Steven told me. Kung wala na si Aiden at umuwi na talaga. I'll just be the one who'll take you home." napapikit na lamang ako. I hate you Steven!

"Hindi hawak ni Steven ang buhay ko kaya pwede ba. Kung wala ng Uber edi magt-taxi nalang ako." sambit ko at tumayo na para layuan na siya. 

Lumabas na ako ng lounge at pumunta sa taxi bay ng lounge pero nakitang walang taxi doon.

Bakit ba ang malas ko? Argh!

Paano na ako makakauwi nito?!

At kung minamalas ka nga talaga ngayon! Bigla pang umulan!

Napapikit na lamang ako nang biglang tumigil ang ulan--

Huh? 

Napadilat ako at nakitang pinayungan na pala ako ni Terrence.

*dugdugdugdugdugdug*

"I told you. Ako na ang maghahatid sa'yo." sambit niya. 

"Sabi ko sa'yo kaya ko ang sarili ko."

"Why are you so stubborn--"

"AYOKONG SUMAMA SA'YO!" sigaw ko sa kanya. He gave me a sad smile.

"Your words really hurt me bad Violet." sabi niya na nagpakurot sa puso ko.

Langya, am I still into this guy?!

"Pero bakit ganun kahit nasasaktan na ako sa mga salita mo. I still love you the same. No, not the same. I'm loving you even more. Kahit na may boyfriend ka na at sa iba ka na nakatingin. I'm still falling for you. I love you so bad." 

~*~*~*~*~*~*~*~*~

Kinabukasan...

Dumilat ako mula sa pagkakatulog ko sa kama ko at unang pumasok sa isip ko si Terrence. 

Oo, siya ang naghatid sa'kin pauwi kagabi. Wala naman nangyari sa paghatid niya sa'kin. 

Pero hindi ko makalimutan yung mga katagang binitawan niya sa'kin kagabi sa lounge.

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon