Sudden Turn
Nagsimula ng magsi-uwian ang mga guests sa birthday party ko at kami nalang ng mga kaibigan ko ang natitira pati ang mga kasama ko dito sa bahay.
Syempre wala na si Terrence dito.
Nakaupo lamang ako sa sofa habang nags-swimming naman ang mga kaibigan ko sa labas nang lapitan naman ako ni Aiden.
"Vi, you okay?" tanong niya sa'kin.
"H-ha? Ah. Oo, okay lang ako." sagot ko naman. "They're swimming outside. Ayaw mo bang sumama?" tanong ko. Umiling siya.
"Nope. Ikaw nga dapat ang tatanungin ko niyan kasi magmula noong umalis si Terrence kanina di ka na masyadong nakipag-usap sa'min." sambit niya. Nahiya ako bigla sa kanya.
"S-sorry. Biglaan kasi yung pagdating ni Candace." sagot ko naman. Bumuntong-hininga naman siya.
"And sumama si Terrence sa kanya?" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Y-yes." sagot ko naman at yumuko.
"You still love him don't you?" tanong niya. Tumango naman ako.
Minsan nga iniisip ko kung may patutunguhan pa ba 'tong feelings ko para kay Terrence.
Kasi feeling ko, mas mahal niya pa din si Candace.
"Ayaw mo pa rin bang umamin sa kanya? Di na rin naman niya nililigawan si Candace." sambit niya.
"Tingin mo nga kaya may patutunguhan pa 'tong feelings ko para sa kanya?" pagbabalewala ko sa tanong niya.
"We will never know unless na umamin ka na sa kanya."
Kailangan ko na ba talagang umamin kay Terrence na gusto ko siya? Na mahal ko siya?
~*~*~*~*~*~*~
Kinabukasan ay nadatnan ko ang mga kaibigan 'kong paalis na ng bahay.
Oo, nag-overnight sila kagabi dito.
"Huy tih! Gising ka na pala!" sambit ni Max sabay lapit sa'kin habang kinukusot ko pa ang mga mata ko.
"Aalis na kayo?" tanong ko sabay hikab.
"Yeah. Oh by the way. Nasa taas pa si Kirsten may sasabihin daw ata sa'yo." sambit niya at tumango naman ako. Dinungaw ko sa labas ang iba.
"Uy, ingat kayo ha!" sabi ko sabay ngiti sa kanila. Ngumiti naman sila.
"Salamat sa pagpapatuloy Vi! We enjoyed it." sambit ni Lean.
"Belated happy birthday Vi!" natawa naman ako sa sinabi ni Charles.
"Salamat Charles!" napangiti naman siya sa sinabi ko.
"Vi!" napatingin ako sa tumawag sa'kin at nakita si Kirsten.
"Oh Kirs. Nandito ka na pala. May sasabihin ka daw sa'kin sabi ni Max." sambit ko naman.
"Ay oo nga. Uhh. Ano kasi, itong si Candacee nagpapasabi na magkita daw kayo sa bahay nila ngayon. May sasabihin daw silang dalawa ni Terrence sa'yo."
Ano naman kaya yun?
~*~*~*~*~*~
"Aiden, hindi mo naman kailangang ihatid mo pa ako papunta dun." sambit ko sa nagd-drive na si Aiden. Pauwi na sana siya galing ng bahay (dahil nga nag-overnight sila). Nang malaman niyang pupunta ako kila Candace at nandun si Terrence ay sinabi niyang ihahatid niya ako doon.
"Wag na. Saka, sasamahan na din kita. Baka kung ano nanamang mangyari sa'yo dun dahil kay Terrence. At.. Kasama niya pa si Candace." napangiwi naman ako.
"Aiden, okay lang ako. Saka hinatid mo na nga ako eh. Di mo na ako kailangan pang samahan." sagot ko.
"Paano kung ma-pano ka nanaman katulad nung Foundation Day ninyo?" tanong niya sa'kin sabay sulyap sa'kin. Napa-buntong hininga naman ako.
"Aiden hindi na mangyayari y---"
"Tingin mo ba maniniwala akong di mangyayari yun lalo't magkasama yung dalawang yun? Violet, you're fragile and you need someone to catch you everytime that you'll fall so you won't break." his words struck me kaya napatahimik ako. "And I'm willing to do that for you. I'll catch you, if you fall. I'm willing to be your crying shoulder everytime na sinasaktan ka ni Terrence dahil kay Candace. Nandito na ako lagi para sa'yo. Always remember that."
~*~*~*~*~*~
"Bes!" tawag ni Candace pagka-apak ko sa entrance ng bahay nila.
"H-hi." naiilang kong sabi.
Parang hindi na kasi ako sanay na tawagin niya akong bes.
"I really missed you!" sabi niya sabay yakap sa'kin. "Sorry talaga kagabi kung di na ako nagtagal." sambit niya sabay kalas sa yakap. "Ano? Nagustuhan mo ba yung binigay kong regalo sa'yo?" naglabas naman ako ng maliit na ngiti.
"H-hindi pa ako nagbubukas ng mga regalo eh." sagot ko. Ngumiti naman siya.
"I'm sure magugustuhan mo yung regalo ko na yun para sa'yo." sambit niya at ngumiti na lamang ako at tumingin sa paligid ng bahay nila.
"S-si Terrence?" tanong ko at napalunok.
"Ah! Papunta na." sagot niya. "Upo ka na muna bes." sabi niya at tinuro ang kanilang sofa. "Magpapaluto lang ako ng pagkain para may makain tayo habang naguusap tayong tatlo." dugtong niya.
"Sige." simple kong sagot. Ngumiti siya at dumiretso na sa kanilang kusina at ako naman ay umupo na sa kanilang sofa nang biglang nag-vibrate ang phone ko.
---
From: Aiden
Vi, aalis muna ako saglit ha? Babalik din ako diyan agad sa labas nila Candace. Bigla kasi akong tinawag ni Dad.
---
To: Aiden
Okay lang naman Aiden kahit di ka muna bumalik agad dito. Baka matagalan din ako dito, baka mainip ka lang. Saka mukhang may importanteng sasabihin sa'yo ang Dad mo kaya biglaan ang pagtawag niya sa'yo
---
From: Aiden
Yun na nga eh. Pero sige. I'll still try my best na makarating agad diyan. :) You sure you'll be okay?
---
Napangiti naman ako sa text niya.
---
To: Aiden
Yup, I'll be okay. Ingat sa pag-drive.
---
From: Aiden
Thanks Vi. :)
---
"Vi?" nagulantang ako sa tumawag sa'kin at nakita si..
"Terrence!" masaya kong sabi sabay lapit sa kanya.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya kaya napangiwi ako.
"Sinabi kasi ni Candace kay Kirsten na papuntahin ako dito kasi may sasabihin daw kayong dalawa." sagot ko.
"Sasabihin? Anong sasabihin---"
"Babe! You're here!" sambit ni Candace sabay lapit kay Terrence at humalik sa kanyang pisngi.
What? Babe?
"Babe?" walang alinlangan kong tanong kaya napatingin silang dalawa sa'kin.
"Ayun na nga yung sasabihin namin sa'yo bes."
*dugdugdugdugdugdug*
"Kami na ni Terrence."
~*~*~*~*~*~
![](https://img.wattpad.com/cover/137075743-288-k357212.jpg)
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Teen Fiction[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...