Chapter 25

78 1 0
                                    

Wala siya

"Alam mo, patuloy ka nalang talagang masasaktan kung hindi ka pa aamin."

"Ayoko nga eh." 

"Bakit ba kasi ayaw mo?"

"Kasi nga mar-reject din naman ako. Saka ayoko ng ipagpilitan ang sarili ko sa kanya. May gusto na siyang iba."

"Ang tanong, gusto rin ba siya ng taong nagugustuhan niya? Kita mo naman diba? Hindi pa sinasagot ni Candace si Terrence!" sabi ni Max sa kabilang linya. 

"M-malay mo konting tiis nalang ni Terrence sasagutin na siya ni Candace--"

"Hay nako. Dapat nga ngayon ka na umamin kasi hindi pa sila eh." buntong-hininga ni Max sa kabilang linya.

"Hayaan mo na. Mas mabuti nalang na ganito."

"Hays, bahala ka na nga diyan bes! Sige na, ibababa ko na 'tong tawag. Iloveyoouuu!"

"Alright. Happy birthday ulit! Iloveyoutooo!" 

"Thanks. Hihi. Byeee!"

"Always welcome! Bye!"

-End Call- 


Napabuntong-hininga na lamang ako. 

Siya lang. Sa kanya pa rin sa ako magkakagusto. At siya lang ang mamahalin ko. 

Naninikip ang dibdib ko sa tuwing naa-alala ko yung mga sinabi ni Terrence kanina. 

Imposible na ba talaga niya akong magustuhan?

~*~*~*~*~*~

Bago pa man dumating ang mga puspusang preparations para sa concert naming Lightning Glaze ay naisipan kong makipagkita muna kay Candace. 

Sa bahay na lamang nila ako pumunta dahil baka mapano pa ako sa mall. 

Pagkakaguluhan lang ako. 

"Bessss!" bati niya sa'kin sabay yakap.

"Hi bes." bati ko naman pabalik at kumalas na siya sa yakap. 

"Tara, dun tayo sa terrace." yaya niya kaya sumunod naman ako sa kanya.


Pagkarating namin doon ay nakita ko sa terrace nila ang iba't ibang mga bulaklak na nakalagay sa mga vase. 

"Ang ganda naman ng mga bulaklak." sambit ko habang nakangiti. Nakita ko siyang nagbigay ng maliit na ngiti. 

"Galing kay Terrence lahat yan." kinurot naman ang puso ko sa sinabi niya. "Upo ka na bes." sabi niya. Umupo naman na ako at gayundin siya. 

"Makakapunta ka ba sa concert namin?" panimula ko.

"Yeah. Nakalibre kasi ako ng ticket dahil kay Terrence." tinusok naman ng libong tinik ang puso ko. 

"A-ah ganun ba."

"Pero alam mo bes." napatingin naman ako sa kanya sa biglang pagbago ng tono ng boses niya. 

"A-ano yun bes?"

"P-parang ayoko ngang pumunta eh." nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. 

"Ha? Bakit naman?" takang tanong ko. 

"K-kasi, pakiramdam ko. May gagawin nanaman si Terrence." sambit niya. Napangiwi naman ako. 

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon