Chapter 13

71 1 0
                                    

Looking forward.

"Ayoko nga kasing manood!" reklamo ko habang nasa range rover niya kami. 

"Bakit ba ayaw mo?" tanong niya nang lumitaw ang red light sa stop light. 

"Dudumugin ka lang naman dun." sagot ko. Tumawa siya. 

"Parang hindi ka dudumugin--"

"Di naman talaga ah! Di pa naman ako ganung kasikat." sambit ko sabay tingin sa windshield. 

"Sus, tignan mo mamaya, dudumugin ka niyan. Bahala ka." tawa niya nang makarating na kami sa isang mall. 

May kinuha siya sa back seat ng kanyang range rover.

"Oh suotin mo." sabi niya sabay abot sa'kin ng isang bomber jacket na black, sunglasses, isang black na cap-- 

Wait hold that thought.

"Teka nga muna--" ngumisi siya. 

"Oo, yan yung mga ginamit kong pang-disguise nung time na unang beses kitang nasabuyan ng inumin." tawa niya kaya sinapak ko na. "Aray!"

"Tss, di ka nga nag-sorry nun. Gusto mo pang ako ang magbayad ng juice na natapon mo sa'kin!" tawa lang siya ng tawa. 

"Haaayyyy, nakakatawa talaga yung mga oras na yun." nanliit ang mga mata ko sa kanya habang sinusuot ang mga gamit na inabot niya sa'kin. 

At nang sinuot ko na ang sunglasses ay napangisi siya. 

"Bagay sa'yo." sabi niya kaya sinapak ko. "Aray! Bakit mo 'ko sinapak?" napangiwi nalang ako. Tumawa siya at nagsuot na din ng sunglasses at cap. 

"Tara na. Nagsasayang lang tayo ng oras dito."

~*~*~*~*~*~

Tahimik lang kami ni Terrence habang pumapalakpak nang matapos ang movie na napanood namin. 

Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao dahil nakahalukipkip kaming dalawa sa upuan namin. 

"Tara na." yaya ko pero pinigilan niya ako. 

"Dito muna tayo. Antayin nating humupa yung mga tao baka pagkaguluhan pa tayo." sambit niya. 

"Ehhh! Gusto ko ng umuwi!" sabi ko sa kanya. Napangiwi naman siya. 

"Mga 5 minutes tapos alis na tayo." umirap nalang ako at tumingin sa screen. 

Nang mag-vibrate ang phone ko. 

Agad ko namang binasa ang text na natanggap ko mula kay Daddy. 

----

From: Daddy. :)

Anak, uwian niyo na diba? Kasama mo ba si Terrence? Bibigyan na kasi namin siya ng information about sa pictorial niya sa Sabado.

----

Ay oo nga, magp-pictorial pala ang kumag!

To: Daddy. :)

Opo Dad, kasama ko po siya. Sabay na po kaming pupunta diyan.

----

Napatingin sa'kin si Terrence. 

"Sinong ka-text mo?" diretsahang tanong niya. 

"My Dad. Hinahanap ka niya---"

"Oh sht oo nga! Yung sa pictorial! I almost forgot it!"

Napangiwi nalang ako nang mag-vibrate muli ang phone ko. 

----

From: Daddy. :) 

Okay. Take care. :)

----

To: Daddy. :) 

Thanks Dad! :D

----

"Huy tara na!" sambit ko sa kumag na diretso ang tingin sa screen habang binabalik ko sa bulsa ko ang phone ko.

"Ayoko pa." sinapak ko na. "Aray! Bakit ba ang hilig mong manakit?"

"Tara na kasi!" ngumisi siya. 

"Oo na sige na." tawa niya at sabay na kaming lumabas ng sinehan. 


Habang palabas na kaming dalawa ay tagong-tago talaga kaming dalawa dahil mahirap na pag-pagkaguluhan kami dito. 

"Wait, parang kilala ko sila."

"Sino naman?"

"OMAYGHAD, IS THAT TERRENCE?"

"OH MYYYY! OO NGA!"

Patay!

"TERRENCEEEEE!" sigaw ng sandamukal na fangirls at naramdamang palapit na sila sa'min. 

"Tatakbo tayo." sambit niya sabay hawak sa kamay ko. "In 3..2.."  napakagat nalang ako ng labi sa kaba baka abutan kami ng mga fans nitong kumag na ito!

"1!" sigaw niya at sabay na kaming kumaripas ng takbo. 


"WOAH!" malakas na buga ng hininga ang nilabas naming dalawa nang pareho kaming nakapasok na sa kanyang range rover. 

Tinignan namin mga fans sa labas at nakita silang hinaharangan ng mga guard.

"Let's get out of here." 

~*~*~*~*~*~

"Dad-- Candace?"

"VIOLEEEETTTT!"

"CANDACEEEEE!" sigaw ko nang makita ko ang childhood bestfriend kong si Candace. 

Agad-agad ko siyang niyakap ng mahigpit at gayundin siya. 

"Ehem." napakalas kaming dalawa sa pagyayakapan namin nang nagparinig si Terrence na nasa likuran ko. 

"Oh, Terrence. Sorry." sabi ko sabay ngisi. "This is Candace Gonzales. My childhood bestfriend. Candace, this is Terrence Shawn Chua." sambit ko. 

"Nice meeting you." nakangiting sabi ni Terrence sabay lahad ng kamay. Agad naman itong tinanggap ni Candace na nakangiti din. 

"Nice meeting you too." sabi ni Candace. Ningitian ko din silang dalawa.

"Huy! Halos 5 years tayong di nagkitaaa! Namiss kitaaa!" sabi ko sabay yakap ulit kay Candace at agad ding kumalas. 

"Namiss din naman kita babae ka! Ay! Speaking of, meron pala akong mga pasalubong, lahat nasa kwarto mo na." nakangiti niyang sabi kaya nagbuo ng "O" ang bibig ko sabay tili. 

"WAAAAHHHH! THANK YOUUU!" sabay yakap muli sa kanya. 

"Oh, nandito ka na pala Terrence." napakalas ulit ako sa yakap ko kay Candace nang magsalita si Daddy na nasa likuran niya.

"Good afternoon po Sir---"

"Tito Gray nalang, Terrence. Sobrang formal kasi pag Sir pa." tawa ni Daddy. Bumaling siya kay Candace. 

"Candace, I guess you already met your partner." ngisi ni Daddy. Nanlaki naman ang mga mata ko. Partner?

"Po?" tanong naman ni Terrence. 

"Candace Gonzales is one of the famous models ngayon. Kilala siya internationally." sambit ni Daddy. "Siya ang makakasama mo sa pictorial." dugtong ni Daddy. Bumuo muli ng "O" ang bibig ko. 

"Abaaaa!" singit ko.

"Looking forward to be working with you Terrence." 

~*~*~*~*~

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon