Chapter 19

62 1 0
                                    

Pa-fall?

"AS IN AIDEN LUIS HERRERA LEGAZPI? AS IN AZPI CLOTHING LI---" tinakpan ko nanaman ang madaldal na bibig ni Maxienne. 

"SHHH! Ano ba? Kailan ka ba hindi dadaldal Maxienne?" iritable kong tanong sa kanya. Tinanggal naman niya ang kamay ko sa bibig niya. 

"Eh kasi naman, sinong di magugulat aber?" tanong naman niya sa'kin at uminom sa kanyang Coke. "So, magkakilala ang parents mo at ang parents niya. Ganun ba yun?" tumango-tango naman ako, 

"Yup. That's why we're good friends. Kaya iimbitahin ko siya--"

"But, kasama mo si Terrence.." ngumisi siya. Uminit naman ang pisngi ko. 

"E-ewan ko ba kung bakit kailangang kasama pa siya." sagot ko. 

"Uyyy! Namumula ka 'te!" tawa niya. Pinipigilan ko namang ngumiti. 

"Hi guys!" napalingon naman kami ni Max at nakita si Avery. 

"Uy Ave! Nandyan ka pala!" ngumiti naman si Avery.

"Uhh, wag sana kayong mainis pero kasi narinig ko pinaguusapan ninyo." sambit niya. Pareho namang nanlaki ang mata namin ni Maxienne. 

"H-ha?" nauutal kong tanong. 

"Gusto mo ba si Terrence, Vi?" diretsahan niyang tanong sa'kin. Napalunok naman ako. Nagulat naman ako nung ngumiti siya. 

"Vi, hindi naman masamang i-admit mo eh." sambit niya. "Terrence's a keeper. Sobrang daming efforts yung ginawa niya nung kami pa. He's worth to loved by you Vi. Pero kasi nung nag-usap kami---"

"Nag-usap kayo? Kailan?" tanong ni Maxienne. 

"Kanina lang." sabi niya. "Sabi niya sa'kin he's letting me go because he's already attracted with someone." nanlaki naman ang mga mata ko. 

"K-kanino?" tanong ko. 

"He didn't said kung sino. Ngiting-ngiti pa nga siya nung sinasabi niya yun." uminit naman ang pisngi ko.

"Baka si Vi yun!" napatingin ako kay Max. "Why?"

"H-hindi ako yun. Imposible yun." sagot ko naman. 

"Don't expect too much Vi. Kasi in the end ikaw naman yung posibleng masaktan."

~*~*~*~*~*~

"H-hindi mo naman kailangang sumama sa'kin." sambit ko kay Terrence habang nagd-drive siya. 

"No. Sasamahan kita." sabi niya. Tinignan ko siya.

*dugdugdugdugdugdug*

Shhh!

"You okay?" tanong niya sabay sulyap sa'kin. 

Ang gwapo talaga niya. Argh!

"O-oo." sagot ko naman sabay tingin nalang ulit sa windshield.

"Ano bang pwedeng ibigay sa babae na medyo girly?" nakangisi siya habang tinatanong niya iyon sa akin. Uminit naman ang pisngi ko. 

"Medyo? Hindi ba talaga siya girly?" tanong ko habang nagpipigil ng ngiti. 

"Hindi ko masabi. Pero kasi she's fashionable but simple." nakangiti niyang sabi. Naramdaman kong namumula na ako. 

Don't expect too much Vi. Kasi in the end ikaw naman yung posibleng masaktan.

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon