Pakner
"Oh parang ang tahimik mo?" tanong ni Steven sa'kin habang papunta kami sa school.
Sakay kami ng aming Montero Sport.
"Nagtataka ka na ngayon?" tawa ko. Napangiwi naman siya.
"Oo. Ang daldal mo naman talaga kasi kaya nakakapanibago." sagot naman niya kaya binatukan ko. "Aray!"
"Tsss."
"Eto naman masyadong sensitive." tawa niya.
Oo, di naman masyadong suplado si Steven. Suplado at masungit lang 'to pag kasama ko si Maxienne, hindi ko alam kung bakit. :3 Pero makulit talaga 'to.
"Eh ikaw naman kasi eh!" iritado kong sabi sa kanya.
"Oh ano, kumusta na kayo nung Terrence?" tanong ni Steven sa'kin.
"Paanong kumusta?" tanong ko din.
"Kung okay na ba kayo or what." sagot naman niya. Napairap ako.
"Baka okay. Kung pwede ko nga lang ulit bawiin na okay na kami eh." sambit ko.
"Di mo na pwedeng bawiin iyon, magsisimula na siya sa photoshoot niya para sa Feet-to-Go next week." sabi naman ni Steven. Napabuntong-hininga nalang ako.
Agad naman kaming dumiretso ni Steven sa loob ng school pagkababa namin mula sa aming sasakyan.
"Vi, dito ka lang. May kukunin lang ako saglit sa locker ko. Babalik ako agad."
Pagkaalis ni Steven ay nagulantang naman ako nang pagkaguluhan ako ng mga estudyante.
Uhh, what's going on?
"Vi! Pwede pa-picture?!"
"Ate, selfie naman po tayo!"
"Violet di ka man lang nagsasalita na sikat ka na! Papicture naman!"
"Pa-autograph naman po!"
The fudge?
"Ah-eh." di ako makapagsalita ng maayos dahil sa liwanag ng mga flash ng camera nila at sa paglabas ko ng ngiti sa bawat estudyanteng nagpapa-picture sa'kin at nagpapa-autograph.
"Hey hey hey!" napatigil naman ang lahat nang may magsalita sa likuran namin at nakita ko ang mga kabanda ko.
Agad akong inilayo ng mga ilan sa mga bodyguard na kasama nila sa mga estudyante.
"Sorry guys. We have our classes pa. Hindi kami pwedeng ma-late. Next time niyo nalang pagkaguluhan 'tong si Vi pag di na busy. Okay?" sabi ni Lean sa mga estudyante habang akbay ako.
"Sorry." simple kong sabi.
"OKAY LANG PO." sabay-sabay na sabi ng mga estudyante. "Tara na/Next time nalang/At least nakapagpa-picture ako." sabi ng iba habang ine-escortan sila ng bodyguard na hinila ako papalayo sa kanila kanina.
"You okay?" agad naman na tanong ni Lean. Tumango ako.
"Mukhang hindi ka pa sanay sa mga taong ganyan." singit naman ni Charles. "You need to be used to it as soon as possible Vi. May mga mas matitindi pang fans kaysa sa kanila." tawa niya. Napangiti naman ako.
"Masasanay din naman siguro ako Charles. Naninibago lang siguro ako ngayon." sagot ko naman.
"Tsss. Tara na, mal-late na tayo." sambit naman ng kumag na Terrence at nauna ng naglakad kaysa sa'min.
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Teen Fiction[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...