Circumstance
Terrence's POV
Pinaharurot ko ang range rover ko papunta sa bahay nila Vi nang hindi niya sinasagot ang mga text o tawag ko.
I think she doubted me again.
Sa tingin ko at hindi niya tinapos ang interview naming dalawa ni Isa dahil nakita niyang hahalikan na sana ako ni Isa pero itinulak ko siya papalayo.
FLASHBACK
"Then do it!" sambit ng isang paparazzi at hinila ako ni Isa papalapit sa kanya at hahalikan na sana nang itinulak ko siya papalayo.
"Hibang ka na talaga Isa. I ALREADY HAVE A GIRLFRIEND!" sigaw ko sa kanya.
"Hindi mo girlfriend si Violet! You just did that for show--"
"Kahit hindi pa kami o kami na. Vi is the one that I really love kaya tumigil ka na Isa!" sigaw ko.
"Terrence--" nilapitan ko si Direk na noo'y hawak ang kontratang pinirmahan ko para sa series at pinagpupunit ito.
"Terrence anong ginagawa mo?!" sigaw ni Direk sa'kin.
"I'm not doing the series anymore. Maghanap nalang kayo ng ibang gaganap. I can't take Isa's attitude. And I don't want to lose Violet again. I'll fcking give up my career para lang sa taong mahal ko. I'm sorry direk. But I need to go."
END OF FLASHBACK
Halos paliparin ko na ang range rover ko papunta sa bahay nila Vi kaya agad akong nakarating doon.
Halos masira ko na din ang doorbell sa kakapindot dito.
"S-sir! Kalma lang ho, ngayon lang po ba kayo nakapindot ng doorbell--"
"Nasan si Violet? I need to talk to her." direkta kong sabi.
"Matapos mo nanaman siyang lokohin at paniwalain ulit, ang lakas ng loob mong kausapin siya?" sambit ni Max.
"Max, hindi niyo tinapos ang interview. Hindi ko hinalikan si Isa!--"
"Stop all of this Terrence! Hanggang kailan mo ba lolokohin si Violet ha?! Ilang ulit mo ba siyang sasaktan at papaniwalain sa mga salita mo?!" sabi naman ni Dimple na noo'y kasama niya.
"Kaya ba hindi mo siya matanong-tanong kung pwede mo na siyang maging totoong girlfriend dahil si Isa naman talaga ang mahal mo?!" sigaw ni Max.
"Hindi ko mahal si Isa! Hindi ko pa naitatanong si Violet because I'm waiting for the right time!--"
"Tama na ang pakikipaglokohan Terrence. Sasaktan at sasaktan mo lang naman si Vi. Hanggang salita ka lang." sambit ni Dimple.
"Ano bang dapat kong gawin para maniwala kayo sa'kin?" halos nagmamakaawa ko ng sabi.
"Umalis ka nalang Terrence. There's no way na maniniwala pa kami sa'yo dahil mismong kami na ang nakakakita." sambit ni Max.
"BECAUSE YOU DIDN'T FINISHED THE INTERVIEW--"
"Bakit? Kailangan pa ba naming tapusin yun kung nakita na rin naman naming hahalikan ka na ni Isa?!" sabi ni Dimple.
"Hindi ko siya hinalikan!--"
"Tama na Terrence. Umalis ka nalang at wag ka ng makikipagkita kay Vi ulit. Kung hindi kami na ang makakaharap mo." sambit ni Max at walang paga-alinlangan niyang sinara ang gate ng bahay nila Vi.
![](https://img.wattpad.com/cover/137075743-288-k357212.jpg)
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Teen Fiction[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...