Chapter 12

70 2 0
                                        

Di ko na yata kaya.

"H-ha? Ano yun?" napangiti naman siya sa sinabi ko. 

"Sorry." simple niyang sabi. 

THIS CANNOT BE HAPPENING! NAG-SORRY NA SIYA MAYGHAD! 

Ang saya saya kooo!

"Ayaw mo pa ba?" tawa niya. Nanliit ang mga mata ko sa kanya. "Oh, bat' naging ganyan itsura mo?"

"Wala." sagot ko. 

"A-ayaw mo bang tanggapin ang sorry ko?" napalingon naman ako sa kanya. 

"H-ha? Wala naman akong sinasabi ha." napangiti muli siya. 

"Ibigsabihin tinatanggap mo na--"

"OO MALAMANG ANG TAGAL KO KAYANG INANTAY YUN DUH!" diretsahan kong sabi sabay inom sa rootbeer. 

"Good then." sabi niya at nagulat naman ako nang maglahad siya ng kamay. "Friends?" 

Napangiti naman ako at tinanggap ang paglahad niya ng kamay. 

"Friends." 

~*~*~*~*~

"Huy ang duga mo!" sigaw ko kay Terrence habang naglalaro kami ng car racing sa PS4. Tumatawa lang ang kumag. 

"Anong maduga dun?" tawa niya. At napapalakpak ang kumag nang manalo siya ulit. "Whoooo! Easy!" masaya niyang sabi kaya nanliit ang mga mata ko sa kanya. "Tanggapin mo nalang kasi na ikaw ang gagawa ng Chapter 2 natin." tawa niya. 

Oo, iyon ang pustahan namin. Kung sino ang matatalo sa amin ay siya ang gagawa ng Chapter 2 ng research namin. 

"Tsss. Oo na!" sambit ko kaya binitawan ko na ang controller. 

"Sus, tampururot!" tawa niya kaya sinapak ko na. "Aray! Sakit nun ah!" reklamo niya. 

"So ano 'to, ako lang talaga gagawa ng Chapter 2? Balakadyan di ko isusulat pangalan mo dito!" sabi ko sabay padabog na kinuha ang laptop ko na nasa tabi ko lang. Tumatawa lang siya. Sinamaan ko na siya ng tingin. 

"Joke lang! Eto naman masyadong seryoso!" tawa niya sabay gulo sa buhok ko. "Tutulungan pa din kita! Ang hirap-hirap kayang gumawa ng Chapter 2!" napangiwi ako sa sinabi niya. 

"Tsss, okay lang naman. Kaya ko naman kahit mag-isa nalang ako." sarkastiko kong sabi.

"Sus--"

"Sabihin mo nalang kasi na ayaw mo akong tulungan, madali lang naman akong kausap." diretsahan kong sabi. 

"Oh, ano nanamang pinaga-awayan ninyo diyan?" tawa ng bespren kong tinitignan kaming dalawa ni Terrence mula sa second floor ng bahay namin. 

Nandito din siya sa bahay namin para sa research nila ni Steven na ewan ko kung umuusad yung research nila sa sobrang katamaran din ng pinsan ko. 

"Wala Max." tawa ni Terrence kaya sinapak ko ulit. "Aray! Nakakadalawa ka na ha!" reklamo niya. 

"Pake ko!" sigaw ko sa kanya. Naiinis talaga ako sa kanya. Psh!

"Alam niyo bagay kayo."

"YUCK. EWW!" agad kong sabi  na nagpangiwi kay Terrence. 

"Kala mo talaga." sambit ng kumag. 

"Nako! Baka magulat ako kayo na huh." tawa ni Maxienne. 

"Over my dead sexy body, hindi mangyayari yun. Eww." sambit ko. 

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon