Finally
Tulala lang ako sa backstage habang hinihintay na tawagin kami ng emcee para tumugtog sa stage.
"To make the long story shorter. Inilihim ni Avery kay Terrence na mahal niya pa din yung ex niya. Rebound lang si Terrence."
Rebound lang si Terrence?
"LET'S ALL WELCOME LIGHTNING GLAZE!" natauhan lang ako nang tawagin na kami ng emcee.
Umakyat na kaming apat sa stage at nagsi-pwesto na sa mga instrument na gagamitin namin.
Sinuot ko na ang guitar strap sa balikat ko at maayos na hinawakan ang gitara.
"Good evening everyone!" bati ko habang nakangiti at habang nags-set up pa ang mga kabanda ko.
"We are the Lightning Glaze and we hope you'll like the songs we'll be playing for you this night." sabi ko.
Nagsipalakpakan naman ang mga tao kabilang na ang barkada. Tinignan ko ang hard copy ng lyrics at chords ng mga kakantahin ko sa stand.
"Heartbreak Girl"
This song's for you Avery.
"*You call me up,
It's like a broken record
Saying that your heart hurts
That you never get over him getting over you,
And you end up crying
And I end up lying,
'Cause I'm just a sucker for anything that you doAnd when the phone call finally ends,
You say, "Thanks for being a friend"
And we're going in circles again and again.I dedicate this song to you,
The one who never sees the truth,
That I can take away your hurt, heartbreak girl.
Hold you tight straight through the day light,
I'm right here, when you gonna realize
That I'm your cure, heartbreak girl?*"~*~*~*~*~*~
"Thank you!" sabi ko pagkatapos na naming kantahin at tugtugin ang mga kanta ng 5SOS.
Nagsipalakpakan naman ang mga tao matapos nun at bumalik na kami sa backstage.
"Very awesome performance as usual LG! Ang gagaling talaga ng mga alaga ko!" proud na sabi ni Manager Elle.
"Syempre ang galing yata ng vocalist natin." sabi ni Lean sabay gulo sa buhok ko. Hinanap ng paningin ko si Terrence at agad naman nitong nahagip at nakitang umiinom ito ng tubig habang direktang nakatingin sa'kin.
"Sobrang galing sabihin mo." tawa ni Manager Elle. Ngumiti nalang ako.
"Tara na! Puntahan na natin ang tropa!" sabi ni Charles. Tumango nalang kami at bumalik na sa table naming magbabarkada.
Pagkarating namin doon ay agad akong umupo sa tabi ng bespren ko na noo'y katabi si Avery. Tumabi naman sa'kin si Lean.
"Galing talaga ng mga 'to!" sabi ni Steven.
"Sus, kami pa ba?" tawa ni Charles.
"Ang galing kumanta ni Vi!" sambit naman ni Maxienne sabay akbay sa'kin.
"Saka ang ganda ng line-up ninyo! 5SOS!" sabi ni Dimple.
"Si Terrence nakaisip ng line-up namin." sagot naman ni Charles.
"Pero napansin ko lang bakit yung "Heartbreak Girl" lang yung medyo senti saka may hugot?" singit ni Maxienne.
"Its really dedicated to someone, right Terrence?" biglang singit ni Kirs na nagpalaki ng mga mata ng lahat.
"A-ano yun?" tanong ni Terrence.
"The first song is really dedicated to someone?" tanong muli ni Kirs at hindi talaga inisip na bawiin ang tanong niya.
Awkward.
"Masama bang ilagay ang "Heartbreak Girl" sa line up at unahing kantahin? I'm the band leader and I know what song suits each gigs." sagot naman ni Terrence. "Its not dedicated to someone Kirsten. Yun ang gusto kong unahing tugtugin kaya pwede ba---"
"Why are you so defensive?" biglang tanong ni Kirsten.
"I'm not defensive. I'm just answering your damn question--"
"Bakit ba kasi ayaw mo nalang sabihin sa tropa ang buong katotohanan---"
"Kirs, tama na." at sa wakas nakapagsalita na si Avery.
"Psh." at bigla na lamang umalis doon si Terrence.
"Awkward... Oww!" daing ni Charles nang sapakin siya ni Dimple.
"Susundan ko lang." sambit ko at umalis din doon para hanapin si Terrence.
"Terrence?" Patuloy kong binabanggit ang pangalan niya hanggang sa mahanap ko siya sa labas ng music lounge at nakaupo sa gutter.
Huminga muna ako ng malalim at pumasok muli sa lounge para kumuha ng inumin bago ako muling lumapit at umupo sa tabi niya.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako.
"Vi?" tawag niya at winagayway ko ang naka-can na rootbeer sa kanya. "Pwede namang tubig nalang." natawa ako sa sinabi niya.
"Hay nako. Kunin mo nalang." sabi ko. Umiling-iling muna siya bago niya tuluyang kunin sa'kin ang rootbeer.
"Thanks." ay wow! Nag-thank you sa akin ang kumag! "Anyway, bat' mo 'ko sinundan dito?"
"Ewan ko din eh. Dinala nalang ako ng mga paa ko dito." sagot ko.
"May sariling buhay na pala ang mga paa natin ngayon." tawa niya. "Cheers." sabi niya. Ngumiti ako.
"Cheers." sambit ko and we clinked our rootbeer cans saka ito ininom.
"Uuwi na sana ako eh. Kaso naalala kong magkasabay pala dapat kami ni Kirs pauwi." sabi niya sabay inom muli sa rootbeer.
"Ah ganun ba." yun nalang ang nasabi ko sabay inom muli sa rootbeer ko.
"You really performed well this time." sambit niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Weehhh? Baka sinasabi mo lang yan dahil mabait ako sa'yo ngayon." natawa siya sa sinabi ko.
"Tanggap ko namang masungit ka sa'kin dahil ganun din naman ako sa'yo." sagot niya. Well, totoo naman.
"Tsss." yun nalang ang naisagot ko at uminom muli sa rootbeer ko.
Binalot kaming dalawa ng matinding katahimikan.
"Ehem." basag niya sa katahimikan. "Anyway, nakalimutan kong sabihin na maypa-after party pala si Manager mamaya pag closing na ng lounge para ma-solo daw natin yun." sambit niya.
"Ah, ganun ba---"
"Saka.. Uhh, matagal ko na talagang gustong sabihin sa'yo 'to." napatingin ako sa kanya.
"A-ano yun?" tanong ko.
"Sorry sa lahat ng nagawa ko sa'yo dati. I'm really sincere this time."
FINALLY!
~*~*~*~*~*~
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Teen Fiction[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...