Kailangan kita..
"BABALIK KA NA SA AGENCY?!" sabay-sabay na sigaw nila Max, Steven, Dimple, Charles, Kirs, at Lean.
"Oo." simple kong sagot at ngumiti. Nanlaki ang mga mata nila lalo na sila Charles at Lean.
"So, babalik ka na sa banda?" dahan-dahan akong tumango kaya napangiti ng malawak ang dalawa.
"YUN OH!" sabay nilang sabi at nag-high five. Napangiti naman ako.
"Pero teka, paano si Terrence?" ngumiti ako sa tanong ni Max.
"Kinausap ako ni Mommy kahapon. She said that it is not love if you give up. She also said that you'll do everything in love. Gagawin mo ang lahat in order na mahalin ka din pabalik ng taong mahal mo. Although na, magmumukha kang tanga o martyr sa mata ng ibang tao. Kung babalik naman yung pagmamahal na binigay mo sa taong yun. Its worth the wait." natahimik silang lahat. "Ganoon kasi ang storya ng Mom and Dad ko." dugtong ko sabay ngiti. "Mom never gave up in Dad until they ended up with each other. And then yan, they became husband and wife." sambit ko habang nakangiti.
"So you're saying that you'll never give up on Terrence until he falls in love with you too?" tumango ako sa sinabi ni Dimple.
"Pero paano iyon Vi? Hulog na hulog siya kay Candace." sambit ni Kirs.
"Then let it be. Hindi ko naman siya is-seduce eh. I'll do everything in a good way. Hindi sa paraan na parang nilalandi ko siya habang may girlfriend siya." sagot ko.
"P-pero, masasaktan ka." singit ni Max.
"Then let it be too. Kaakibat ng pagmamahal yung pakiramdam na nasasaktan ka. If you really love that person handa kang masaktan para sa kanya. Yes, maging masaya ka para sa kanya yung masaya siya sa piling ng iba. But if he becomes broken, be there for him. At sabihin mo sa kanya at iparamdam hindi siya nagi-isa at may nagmamahal pa sa kanya." sagot ko.
"If that's what your plan is.. Then let it be. We'll be here to support you Vi." sambit naman ng pinsan ko kaya napangiti ako at gayundin siya.
"Wait, paano na si Aiden?" biglang tanong ni Charles.
"Aiden.. Is just a friend. Pilitin ko mang mahulog sa kanya. Wala eh. Mas hulog ako kay Terrence, and nobody can change it." sagot ko.
"Well, siguro naman. Maiinitindihan ka naman nun ni Aiden. He's a good guy anyway." nakangiting sabi ni Lean.
"Whatever you do Vi. Lagi mo lang tatandaan na nandito lang kami lagi para sa'yo. Okay?" sambit ni Kirs. Ngumiti ako.
"Thank you guys. I'm really so grateful to have you." nakangiti kong sabi sa kanila.
"Group hug!" natawa na lamang kami kay Charles at ginawa ang gusto niya.
~*~*~*~*~*~*~*~*~
"WELCOME BACK VIOLET!" bati nila Manager Elle, Lean, at Charles after kong mag-sign muli ng contract para sa banda. Ngumiti ako.
"Thank you!" masaya kong sabi at nilapitan sila. Silang tatlo ay may hawak na tarpaulin at balloons.
Pinag-effortan!
"Welcome back to Lightning Glaze Vi!" sambit ni Manager Elle at niyakap ko siya.
"Thank you po sa pagtanggap ulit sa'kin Manager." sabi ko at kumalas na kaming dalawa sa yakap.
"Wala yun. Ikaw pa din talaga ang gusto kong maging bokalista ng LG and you will always be." nakangiting sabi ni Manager. Bumaling naman ako kila Lean at Charles.
"Vi!" masaya nilang tawag sa'kin at sabay ko silang niyakap.
"Thank you guys for being my friend and bandmates at the same time." sambit ko.
"Wala yun." sagot ni Lean.
"Always remember we'll always be your boybestfriends." napangiti ako sa sinabi ni Charles at kumalas na sa yakap.
"Let's toast para sa pagbabalik ni Vi!" sabi ni Manager at inabot sa'min ang tigi-isa naming can ng rootbeer.
"Manager ang cheap naman!" natawa kami sa sinabi ni Charles.
"Eto naman masyadong choosy!" tawa ni Manager. "Sige na. Cheers to Vi!" nakangiting sabi ni Manager.
"Cheers!" and we clinked our cans together.
Sayang wala si Terrence dito.
~*~*~*~*~*~*~
"Naalala ko din nung pinag-strip si Lean sa stage nung last gig namin." tawa ni Charles at nakitawa din kami ni Lean. Umalis na si Manager Elle para umano ilakad ang mga nalalapit naming performances. Kasalukuyan lang kaming nakatambay nila Lean at Charles sa loob ng studio namin.
"Hiyang-hiya kaya ako nun. Wala akong abs!" tumawa pa kami lalo ni Charles.
"Hindi mo naman kailangan ng abs Lean." tawa ko.
"Inaasar na nga ako ni Kirs na ang taba ko daw eh." ngumisi naman kaming dalawa ni Charles. "Kaya yan, nagsimula na akong mag-workout."
"Si Kirsten lang pala ang solusyon sa problema mo." tawa ni Charles.
Habang nagk-kwentuhan ang dalawa, patuloy pa din akong umaasang darating si Terrence ngayon.
Pero wala pa din siya.
"Inaantay mo siya 'no?" tanong ni Lean kaya napalingon ako sa kanya. Dahan-dahan naman akong tumango.
"Well, probably. Baka ka-date nanaman niya si Candace." dugtong naman ni Charles.
"Alam mo ba lagi nalang kine-kwento sa'kin ni Kirsten na parang lagi nalang daw naga-away yung dalawang yun." napalingon ako kay Lean pagkasabi niya nun.
"Huh? Edi asan siya ngayon?" tanong ni Charles.
"Baka nasa bar. Umiinom para makalimot." sagot naman ni Lean.
"S-sa bar ba siya kadalasang pumupunta pagtapos nilang mag-away ni Candace?" tanong ko. Tumango naman si Lean.
"Iyon ang kine-kwento sa'kin ni Kirs." sagot niya.
Ano kaya yung mga bagay na pinaga-awayan nila?
Nagpatuloy na nag-kwentuhan ang dalawa at nakikisali ako sa kanila minsan nang biglang tumunog ang phone ko.
*I won't give up on us..
Even if--*
Terrence is calling you..
Huh? Bat' niya ako tinatawagan?
"Hello?" bungad ko kay Terrence. Napatingin naman sila Charles sa'kin.
"V-vi..." mahina niya sabi kaya nanlaki ang mga mata ko. Naririnig ko din ang mga tugtog sa kanyang background at mga taong naghihiyawan.
"Terrence? Nasan ka?" naga-alala kong tanong.
"K-kailangan kita, can you come over here p-please?"
Sht.
~*~*~*~*~*~*~

BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Teen Fiction[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...