Chapter 51

81 2 0
                                    

She's Back

Terrence's POV

(AN/N: YES YOU READ IT RIGHT. TERRENCE'S POV NA PO. MULA SA CHAPTER NA ITO HANGGANG SA MATAPOS ANG ISTORYANG ITO AY MAGPAPALIT-PALIT NA PO SILA NI VIOLET NG POV's. NAE-EXCITE NA AKO! SO HERE'S CHAPTER 51, SANA MAGUSTUHAN NINYO. :D

P.S.: Ito yung sinasabi kong pagbabago. Hehehe. Sana magustuhan ninyo. ^_^)


After 4 years...

"Sir Terrence ito na po yung contract na mula doon sa "Wear-to-go". Photoshoot niyo na daw po next week." sambit ng PA ko. 

"Hmm. Alright. Thanks Erika." sagot ko at pinirmahan na ang kontrata na galing sa isang fashion line na kumukuha sa'kin bilang model nila at ambassador. "Here." sambit ko kay Erika at binigay sa kanya ang kontrata.

"Sige po Sir."

"Mauuna na ako Erika. Susunduin ko pa si Rachel." tumango siya.

"Sige po Sir. Ingat po."

"Ingat ka din." ngumiti siya at umalis na saka naman ako dumiretso sa parking lot saka pinatunog ang aking range rover.

Kulay white ito dati pero pinalitan ko na yung luma ng mas bago. Pero range rover pa din, kulay gray na siya ngayon. 

Sumakay na ako sa loob at humarurot papunta sa EU. 

Nang bigla namang tumunog ang phone ko. Sinalampak ko ang bluetooth headset ko sa'king tenga saka sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Bro." narinig kong si Charles iyon. 

"Oh, 'tol napatawag ka." sambit ko.

"She's back." napatigil naman ako.

"Sino?"

"Si ano! Si ano. Argh!"

"Sino 'tol?" taka kong tanong.

"Si V--- Hello Terrence?" nagtaka naman ako nang si Dimple na ang nasa linya.

"Dimple. Si Charles?"

"Nandito. Wag mo siyang pakinggan okay? Sige na ibababa ko na 'to."

"Wait Dimp--"

-Call Ended-

Pagkababa ng tawag ay nagtaka na ako lalo.

Sino yung sinasabi ni Charles na bumalik? Yung "She's Back"? Sinong "she"?

Kinon-tact ko naman si Lean at agad naman siyang sumagot.

"Oh 'tol napatawag ka."

"Lean, may alam ka bang bumalik?"

"Huh? Anong bumalik?" taka niya ding tanong. Napakamot ako sa ulo.

"Tumawag sa'kin si Charles kanina sabi niya sa'kin "She's Back" raw. Sinong she?" tanong kong muli. Narinig kong natahimik siya sa kabilang linya. "Hello Lean?"

"Wala yun 'tol! Sige ibababa ko na 'tong tawag--"

"Teka!"

-Call Ended-

What's with this people?

Umiling-iling na lamang ako at direkta ng nag-drive papunta sa EU. 

~*~*~*~*~*~*~

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon