Chapter 5

82 2 0
                                    

The Legazpi's

Tuesday. Dumating na ang araw ng paghuhukom-- ay este, ng unang gig ko kasama ang mga kabanda ko. Taray. Kabanda. Hahaha!

Kanina pa ako nagbubuga ng malalalim na hininga dahil sa kabado ako kaya napansin na ito ni Lean. 

"Hey, you okay?" tanong niya sa'kin. Ngumiti naman ako. 

"Yup." sagot ko. 

"Nervous?" tanong niya sabay himas sa likod ko na para bang kinakalma ako.

"Yeah. First time eh." sagot ko ulit habang pinaglalaruan ang mga darili ko. 

"Okay lang yan. May tiwala kami sa'yo." nakangiting sabi ni Lean. 

"PLEASE WELCOME.. ONE OF THE RISING BANDS IN THE MUSIC INDUSTRY TODAY HERE IN THE PHILIPPINES. LIGHTNING GLAZE!" sabi nung emcee. 

"Tara na. Tama na yang paglalandian ninyo." narinig kong sabi ni Terrence sa tabi ko at dumiretso na siya sa stage. Tinignan ko si Lean at mukhang hindi naman niya iyon narinig. 

Tsss. Paglalandian. NAGSESELOS KA LANG! 

Joke lang. Ewwww. 

"Let's go." anyaya ni Lean at umakyat na din kami ng stage kasunod si Charles. 

Nang makarating na ako sa tapat ng microphone ay tumingin muna ako sa mga taong nanonood, karamihan ay mga teenagers at bata. Iba naman ay pamilya. 

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita at ngumiti.

"GOOD EVENING EVERYONE!" at nasihiyawan naman ang mga tao at nagpalakpakan din. 

"We are Lightning Glaze and we're here tonight to sing songs for you while you're having your dinner. We do hope that you will enjoy and LOVE our performance." sambit ko. "Here's 'My Heart' by Paramore."

Dahil sabi ni Manager, mas maganda daw na kantahin ko ang kantang pinang-audition ko ay iyon ang naging first song namin  

At pinatunog na ni Charles ang kanyang drumsticks na hudyat na magsisimula na kaming tumugtog at kumanta. At pagkatapos nun ay tumugtog na silang tatlo. 

"I am finding out that maybe I was wrong.

That I've fallen down and I can't do this alone.

Stay with me, this is what I need, please?

Sing us a song and we'll sing it back to you.

We could sing our own but what would it be without you? Ohh.

I am nothing now and it's been so long.
Since I've heard the sound, the sound of my only hope..
This time I will be listening.

Sing us a song and we'll sing it back to you.

We could sing our own but what would it be without you? Ohhh..."

~*~*~*~*~*~

Natapos ang performance namin at sinalubong kami ng ngiti ni Manager Elle. 

"Very nice performance guys!" masaya niyang sabi. "Nako Vi. Magiging sikat ka na talaga. Ang ganda talaga ng boses mo!" dugtong niya. Napangiti naman ako. 

"Salamat Manager--"

"Magiging sikat siya dahil sa'min Manager." singit ni Terrence na ikinapawi ng ngiti namin ni Manager. 

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon