Chapter 8

79 1 0
                                    

Avery 

"Magsosolo na nga lang sana ako dumating ka pa. Tsss." sabi ko kay Terrence habang papasok kami sa kwarto ko. PERO HINDI SIYA DITO MATUTULOG. SA GUEST ROOM SIYA. DITO LANG KAMI GAGAWA NG RESEARCH.

"Baka pumayag si Sir sa gagawin mo. Tss." sagot naman niya at tuluyan na kaming pumasok sa kwarto ko. Pagkakita ko ng pagkain ko sa kama ay napatanong ako sa kanya.

"Kumain ka na ba ng dinner?" tanong ko sa kumag na noo'y nilalapag ang kanyang bag sa sahig ng kwarto ko. 

"Oo. May hiya pa naman ako." direkta niyang sabi.

"Tsss." 

Kinuha ko ang laptop ko at iba ko pang gamit na noo'y nasa kama at saka kinuha din ang pagkain ko at nilapag silang lahat sa tabi ng mga gamit ni Terrence na nilabas niya. 

Nilabas niya mula sa kanyang bag ang kanyang laptop, phone, isang notebook, lapis, at ballpen. 

"Hindi ka pa pala kumakain?" sabi niya. 

"Oo, kaya nga may pagkain dito diba?" sarkastiko kong sagot sabay upo at gayundin siya. 

Tumingin siya sa aking laptop. 

"May nasimulan ka na pala. I-copy mo yang file dito sa flash drive ko nang gawin ko na yung mga kulang mo." sabi niya sabay bigay sa'kin ng flash drive niya. Tinanggap ko naman ito.

Nakita ko ang mga files ng kanyang flash drive. Merong files na puro music lang, meron ding files na pang-acads, at meron ding folder na puro picture lang. 

Ang linis ha?

"Diyan mo nalang mismo ilagay. Wag na sa mga folder na nandyan." sabi niya habang nakatingin sa kanyang laptop. Sinunod ko naman ang sinabi niya at binalik na sa kanya ang kanyang flash drive. 

"Kumain ka na muna diyan. Tatapusin ko nalang 'to." simple niyang sabi. Hindi nalang ako nagsalita at tinanggal ko nalang ang laptop na nakapatong sa lap ko at saka naman nilagay ang tray sa harapan ko. 

Habang kumakain ako ay tinitignan ko din siya. Halata rin namang seryoso din siya sa acads. 

Mabilis mag-type ang kumag baka mamaya matapos na niya agad. 

MAS OKAY YUN PARA DI NA SIYA MAG-OVERNIGHT DITO!


Nang matapos akong kumain at niligpit ang mga pinagkainan ko ay biglang nagsalita si Terrence.

"Tapos ka na?" tanong niya. 

"Oo. Bakit? Papakuha ka ng pagkain? Nagugutom ka na din?" tanong ko. 

"Sabing nag-dinner na ako. Sige, ako na magbaba niyang mga pinagkainan mo, magc-CR din ako." sabi niya. 

Wow, may nakain ba 'to? Bakit ang gentleman nito ngayon?

"May sakit ka ba?" tanong ko. Mukhang nagulat siya tanong ko. 

"Ha? Anong pinagsasabi mo?" tanong niya din. 

"Nakakapanibago lang. Ang gentleman mo ngayon." sabi ko naman. 

"Tsss." okay, binabawi ko na ang mga sinabi ko! "Magc-CR kasi ako kaya para di ka na bumaba ako ng magbababa niyang pinagkainan mo. Wag kang magisip ng kung ano-ano." sabi niya. Napangiwi nalang ako at binigay sa kanya ang tray ng mga pinagkainan ko. 

"Para namang may iniisip akong kung ano-ano. Sige na! Shooo!" sabi ko at lumabas na siya ng kwarto ko. 

Umupo naman ako ulit sa sahig kung saan ako nakaupo kanina at tinignan ang laptop ng kumag. Aba! Significance of the study at Definition of terms nalang ang kulang!

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon