Chapter 24

68 1 0
                                    

Siya lang.

"*Adik Sa'yo, awit sa akin.

Nilang sawa na saking, mga kuwentong marathon.

Tungkol sa 'yo at sa ligayang..

Iyong hatid, sa aking buhay.

Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw.

Sa umaga't sa gabi, sa bawa't minutong lumilipas.

Hinahanap-hanap kita, hinahanap-hanap kita..

Sa isip at panaginip, bawat pagpihit ng tadhana..

Hinahanap-hanap kita...*" kanta ni Terrence nang nasa harapan na niya si Candace. 

Nakangiting tinapos ni Terrence ang kanta at lumapit kay Candace na noo'y gulat na gulat. 

Diretso lang ang tingin ko sa kanila habang hiyaw ng hiyaw ang mga kasama namin. 

Buti na nga lang ay walang mga paparazzi dito. 

"Candace Gonzales..." malambing na tawag ni Terrence kay Candace.

"WAAAAHHHHH!/MAYGHAD!" sigaw ng mga kasama namin. 

"Will you be my girlfriend?" tanong ni Terrence habang inaabot kay Candace ang bouquet ng flowers. 

"SAY YES! SAY YES!" sigaw ng mga taong nandidito. 

Tumingin si Candace sa'kin at parang sinasabi ng kanyang mga mata "Sasagutin-ko-ba-siya". Ningitian ko nalang siya ng pilit at tumango. 

Pero nakakagulat ang mga sumunod na nangyari.

Lumayo si Candace kay Terrence. 

"C-candace--" tawag ni Terrence at lalapit sana pero pinigilan siya ni Candace. 

"I-I'm sorry Terrence." sabi ni Candace at tumakbo papalabas ng restaurant. 

Tinusok ng libong tinik ang puso ko sa ginawa ni Candace na pag-iwan kay Terrence.

"Grabe, binasted niya."

"Todo effort pa naman din si Sir Terrence."

"What a pity."

Nang magsimula na ang bulong-bulungan ay nilapitan na naming mag-babarkada si Terrence. 

"T-terrence." panimula ko. Hindi ko siya masyadong nilapitan dahil tulala lang siya habang nakaupo sa sahig. 

"Pre, hindi mo ba hahabulin?" tanong naman ni Lean. 

"What's the point? Binasted naman niya ako." sabi ni Terrence at tumingin sa'min. 

"Wag kang mawalan ng pag-asa Terrence, siguro hindi pa siya handa." sambit naman ni Maxienne. 

"5 freaking months hindi pa ba siya handa nun?!" sigaw niya. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. 

"T-terrence, t-tama naman si Max. Baka nga hindi pa handa si Candace---"

"Vi, naging saksi ka sa'ming dalawa. Kita mo namang mukhang gusto niya na din ako diba?" sabi niya sa basag na boses. 

Mahal niya talaga si Candace. 

"K-kakausapin ko siya." sabi ko nalang habang tinatapik ang balikat niya. 

"Maiwan muna namin kayo Vi." sabi ni Lean. Tumango na lamang ako at tinignan ulit si Terrence. 

"Terrence..." tawag ko sa kanya. 

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon