Chapter 47

71 2 0
                                    

Whatever it takes

Kahit hilong-hilo ako ay pinilit ko pa ding hanapin si Terrence sa labas ng VIP Lounge. 

"Si Violet Reyes yun diba?!"

"Hala bat' parang lasing siya?"

"Di pa siya 18 diba? Is she allowed to drink already?"

"Vi!" narinig kong sigaw ng mga kaibigan ko pero hindi ako nagpapakita sa kanila at nagpatuloy sa paghahanap kay Terrence. 

Asan na ba siya?

"Hi miss." rinig kong sabi ng isang lalaki. Sa hilo ko ay hindi ko na maaninag ang itsura niya.

"S-sorry sir. M-may hinahanap pa po ako---"

"Pwedeng pa-picture? Narinig ko kasing sikat ka eh." sambit niya. Tumango na lamang ako at pinilit na ngumiti sa camera kahit na hilong-hilo na ako nang naramdaman 'kong hinipuan niya ako.

Agad-agad ko siyang sinampal.

"B-bakit mo ako sinampal?!"

"Hinipuan mo ako!"

"Nagpapa-picture lang naman ako ah! Sino nagsabing hinipuan kita---"

"Mukha ba akong inosente?! Naramdaman ko yung kamay mo! Umamin ka nalang!" sigaw ko.

"Anong aaminin ko?" halos maiyak ako sa sinabi nung lalaki. "Lasing ka lang miss."

Hinipuan niya ako! Totoo yun!

"Hinipuan mo ako! Hindi sa lasing ako pero naramdaman ko---"

"Hindi kita hinipuan ikaw 'tong biglang nanampal. Wag kang mag-eskandalo miss, masisira image mo." naiyak na ako ng tuluyan sa sinabi niya.

"Say sorry to her." nakaramdam ako ng otoridad sa boses na narinig ko. Malamig din ito.

"Bakit ako mags-sorry? Siya nga dapat itong mag-sorry kasi sinampal niya ako---"

"G*g* ka din 'no? Hinipuan mo na nga siya diba?!" galit na sabi ng boses na yun. 

"Hindi ko siya hinipuan---"

"Walang hiya ka!" sigaw nung boses at natauhan na ako at parang magic na biglang nawala ang hilo ko at nakita si Aiden sa harapan ko at nakitang nakikipagsuntukan sa lalaking siya ata ang humipo sa akin.

"Aiden!" sigaw ko habang inaawat siya at nagsidatingan na din ang ilang mga crew at guard sa bar nang bumagsak na ang lalaki sa sahig.

Kinwelyuhan ni Aiden ang lalaki.

"Learn to respect others you pervert." galit niyang sabi sa lalaki at ibinagsak sa sahig.

"Aiden!" sambit ko at ilang saglit pa bago siya lumingon sa'kin pero bumaling sa taong nasa likuran ko na guard pala.

"Check your CCTV cams. Para may solid na ebidensya na hinipuan nga ng g*g*ng lalaking yang si Violet." may otoridad niyang sabi sa guard.

"Sige po Sir." sagot noong guard at binitbit na nila ang lalaki kung saan.

Naiwan na lamang kami ni Aiden doon at bumalik na sa dati ang flow ng nagaganap sa loob ng lounge.

Tinignan ko siya at umiyak.

I'm such a crybaby.

Inakbayan niya ako.

"Are you okay?" tanong niya. Tumango naman ako. "Let's get you home. I can't let you stay here." sambit niya at hinawakan ang kamay ko palabas ng lounge. 

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon