Chapter 35

78 2 0
                                    

Ikaw Lang.

Bumalik na ako sa table naming barkada pagka-lapag ko ng regalo ko para kay Terrence sa kanyang "gifts booth".

Isang pair lang ng sapatos mula sa "Feet-To-Go" at isang Rolex Yacht-Master na black ang regalo ko para sa kanya.

Patuloy pa din ang birthday party ni Terrence kaya nagusap-usap na lamang ang mga kaibigan ko kasama siya.

Pero wala dito si Candace. Bakit kaya?

"Ang hirap ngang ligawan nitong si Maxienne napaka-sungit." natawa kaming lahat sa sinabi ni Steven.

"Hoy! Excuse me. Ikaw nga 'tong suplado dito. Wag mo nga akong baliktarin Steven." mataray na sabi ni Max. Natatawa na lamang sila.

"Mga babae talaga abnormal." pabulong sanang sabi ni Charles kay Steven pero narinig naman namin siya.

"Santiago narinig ko yun." may otoridad na sabi ni Dimple kaya napangiwi si Charles.

"Sorry commander." sabi ni Charles kaya napa-"yiiee" ang mga kaibigan ko.

"Eh etong pinsan ko Lean di ka ba nahihirapan?" singit ni Terrence. Natawa naman si Lean.

"Oo. Pero kahit na mahirap, kakayanin naman basta makuha ko ang matamis niyang "oo" sa huli." napangiti kaming lahat sa sinabi ni Lean.

"Yiiieeee." asar nila kila Lean at Kirsten.

Hindi ako makapag-react sa mga kaibigan ko dahil nandito si Terrence at kanina ko pa nahuhuling nakatingin sa'kin. 

Kinalabit ko naman si Maxienne na katabi ko.

"Bes, lalabas muna ako saglit, magpapahangin lang ako." sambit ko.

"Huh? Oh sige. Balik ka agad ha?" tumango na lamang ako at ngumiti at dali-daling lumabas ng venue. 

Napaka-awkward. Argh.

Umupo na lamang ako sa gutter. Naka-ripped jeans naman kasi ako at simpleng off-shoulder top lang naman.

Medyo malamig. 

"Kung naiilang ka na sana kanina, dapat sinabihan mo na akong umalis dun." nagulantang ako sa nagsalita sa tabi ko at nakita si..

*dugdugdugdugdugdug*

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Terrence na noo'y katabi kong nakaupo sa gutter.

"Sinundan ka." sagot niya sabay tingin sa'kin kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"H-hindi mo naman kailangang gawin yun. Dapat nakipag-usap ka nalang sa kanila." sabi ko habang nakayuko at mamaya-maya't titingala sa langit na puno ng bituin.

"What's the sense of having conversation with them kung wala ka naman dun." sabi niya.

*dugdugdugdugdugdug*

Stop it heart. He's just making you fall hard for him.

"Wala din namang sense kung makikipag-usap ka din sa'kin diba?" pinilit kong hindi maging matabang ang tono ng boses ko.

"May sinabi ba akong nonsense kang kausap?" tanong niya. Napabuntong-hininga na lamang ako. "Are you avoiding me Vi?" napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya. Direkta ang pagtingin niya sa'kin kaya napaiwas muli ako ng tingin sa kanya.

"I'm not avoiding you." 

Gusto ko na ngang umalis dito para di na kita ulit makita para di na bumalik yung kilig at sakit na nararamdaman ko.

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon