Kiss in the Rain
(AN/N: Guys, maikli lang 'tong chapter na 'to. Karugtong kasi nito yung Chapter 64. Sa totoo lang dapat nga itong mga sinulat ko dito sa Chap 65 ay nasa 64 pero masyado ng mahaba baka tamarin na kayong magbasa so dito ko nalang siya ilalagay. Hehe. Sana magustuhan niyo pa rin! :) )
Violet's POV
Tulala lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana ko.
Ang sakit, ang sakit-sakit.
Matapos ang pagu-usap namin ni Terrence ay wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak. Isang linggo na rin ang nakalipas. At ilang araw nalang din ay birthday na ni Kirsten.
Nanatili akong tulala nang may pumasok sa kwarto ko.
"Vi.." si Max. Nilingon ko siya.
"Max, ikaw pala yan."
"Vi, please can you just please watch the full interview--"
"Fck no Max!" sigaw ko. "Ano bang problema ninyo at pinipilit ninyo akong paroonin yan?!"
"Vi, do you want to lost Terrence?"
"Siya itong gustong mawala ako Max." inis kong sabi. Inilapag niya ang phone niya. Nakalitaw doon ang video ng full interview ni Terrence at Isa.
"Vi, wag mong pairalin ang pride mo. Kung mahal mo talaga si Terrence, you'll hear his side." sambit niya. Tumingin na lamang ako ulit sa bintana ko. "If you're not gonna watch this vid. You will lost him or worst, he'll be with Isa. He's going to NZ kasi hindi ka nakinig sa kanya o naniwala man lang. I don't know how long he's gonna stay there but he'll be with Isa." dugtong niya. "You'll regret this Vi. I'm telling you. Bahala ka na kung ayaw mong maniwala pero hindi rin naman kami ang magsisisi kundi ikaw din." sabi niya at naramdaman kong tuluyan na siyang umalis ng kwarto ko.
Napapikit na lamang ako.
Aalis si Terrence dahil sa hindi ko lang siya pinaniwalaan at hindi ko pinanood itong vid?
Do you really want to lost him for life Vi?
Umiling-iling na lamang ako at hinablot ko ang phone ni Max na noo'y nakalapag sa harapan ko at pinlay ang vid.
"Then do it!" sambit ng isang paparazzi at hinila ni Isa si Terrence at hahalikan na sana nang itinulak siya ni Terrence papalayo.
"Hibang ka na talaga Isa. I ALREADY HAVE A GIRLFRIEND!"
"Hindi mo girlfriend si Violet! You just did that for show--"
"Kahit hindi pa kami o kami na. Vi is the one that I really love kaya tumigil ka na Isa!" sigaw ni Terrence na nagpatulo ng luha ko.
"Terrence--" narinig kong tawag ni Isa kay Terrence pero sinundan ng camera si Terrence at nakita kong pinagpupunit niya ang mga papeles na hawak ng director nila.
"Terrence anong ginagawa mo?!"
"I'm not doing the series anymore. Maghanap nalang kayo ng ibang gaganap. I can't take Isa's attitude. And I don't want to lose Violet again. I'll fcking give up my career para lang sa taong mahal ko. I'm sorry direk. But I need to go."
Totoo ngang hindi niya hinalikan si Isa. He even said publicly that he loves me.
Damn Vi. Hanggang kailan mo ba gaganituhin si Terrence na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka?
Patuloy ang agos ng luha ko nang may nakita ako sa tabi ng vid na ito. Isa ring vid na nandoon si Terrence sa thumbnail.
Pinlay ko ito.
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up
Teen Fiction[ LIGHTNING GLAZE SERIES #1] Naranasan niyo na bang magmahal ng wagas? Yung tipong parang wala ng bukas? Yung nagmamahal ka na parang katapusan na ng mundo? Yung hindi ka na maghahanap ng iba? Yung gagawin mo ang lahat para mahalin ka din ng taong m...