Chapter 42

67 2 0
                                    

Hanggang Kailan: Happy Birthday Dimple! (Part 1)

"Dahil nagdala ng kotse sila Terrence at Aiden. Dalawa din dapat sa'tin ang babawas sa pagsakay sa van." sambit ni Dimple.

November 6. 2:00 am. 

"Ano ba babes wag mo ng problemahin yan." sambit ni Charles kay Dimple. Babes pala huh? "Easy, Candace will ride with Terrence. Vi will ride with Aiden." dugtong ni Charles.

"Alright sige na. Let's go guys!" masayang sabi ni Dimple. Nilapitan na ako ni Aiden at naramdamang hinawakan niya din ang handle ng bag ko na hawak ko din.

"Let's go Vi." sabi niya sabay ngiti. Tumango nalang ako at binitawan na ang bag ko at hinayaan siyang ilagay ito sa trunk ng kanyang Mercedez. Tinignan kong pinagbuksan ni Terrence ng pinto sa front seat si Candace naramdaman kong tahimik lang din ang dalawa. "Vi." tawag ni Aiden sa'kin at nakitang nakabukas na ang pinto ng kanyang front seat. Lumapit na ako sa kanya at sumakay na sa kanyang sasakyan. 

Nagsimula nang umandar ang van nila Dimple at ang range rover ni Terrence at sumunod na kami ni Aiden. 

Tulala lamang ako habang nakatingin sa labas ng sasakyan ni Aiden.

"Are you okay?" tanong ni Aiden. Tinignan ko siya. Tumango ako.

"Yup. Okay lang ako." sagot ko. Sumulyap siya sa'kin at ngumiti.

"Good then. Di ka ba inaantok?" tanong niya. Umiling ako.

"Di pa naman. Siguro mamaya-maya aantukin na ako." sagot ko.

"Okay then. Sleep whenever you want." nakangiti niyang sabi. Tumango na lamang ako.

Tahimik lamang kami ni Aiden sa buong biyahe nang tuluyan na akong dalawin ng antok at nakatulog..

~*~*~*~*~*~

"Dalawang brewed coffee. Dalawang large fries. And dalawang cheeseburger." rinig kong sabi ni Aiden. Dumilat ako at saka naramdamang may unan na palang nasa ulo ko dahil nakahilig ako sa windhield. 

Umupo na ako ng maayos at kinusot-kusot ko ang mata ko at umandar na muli ang sasakyan ni Aiden. Sinulyapan niya ako.

"Ang haba ng tulog mo." sambit niya habang nagd-drive. "Almost 5 hours." nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. 

"5 hours?" ngumisi siya.

"Yup." sagot niya at binuksan muli ang kanyang windshield para kunin na ang kanyang mga inorder.

"Thank you Sir!" sabi noong crew at umandar na muli ang kanyang sasakyan. Nakita ko ding nasa harapan namin ang range rover ni Terrence. 

"Here you go. Kumain ka na muna." sabi niya nang tumigil ang kanyang sasakyan. Inabot niya sa'kin ang isang brewed coffee, large fries, at cheeseburger. 

"Thanks Aiden. Nag-abala ka pa." sambit ko sa kanya nang nagpatuloy na siyang mag-drive.

"Hindi problema yun Vi. Basta para sa'yo." sabi niya sabay sulyap sa'kin at binalik din agad ang tingin sa kalsada.

Can't I really give this guy a chance?

~*~*~*~*~*~

"Hello Bataan!" sambit ni Max pagkababa niya ng van.

"Ang ganda talaga dito!" sambit naman ni Kirsten.

"Tara na guys the boat's waiting for us para makapagsimula na tayong mag-cove hopping!" sabi ni Dimple. 

Iiwan namin ang mga sasakyan dito sa port at kukunindaw ito di umano mga relatives ni Dimple dito sa Bataan para i-park sa mga garahe ng mga bahay nila at dadalhin nalang muli ito sa port pagkatapos ng aming stay sa 5 fingers.

"Good morning Ma'am's and Sirs! Welcome po sa beach port ng Bataan!" sambit nung isang crew habang tinutulungan kami ng tatlo pang kasama niyang crew sa mga dalahin namin.

"Good morning din po Kuya!" bati ni Max. 

"Sumakay na po kayo sa bangka." sabi nung crew at isa-isa na kaming naglakad sa mga malalaking bato para makasakay sa bangka. Nang gumalaw ang isang bato at na-out-of-balance ako.

"WAAHHHH!" sigaw ko at nagulantang nang may humawak sa kamay ko.

Si Terrence.

"A-are you okay Vi?" tanong niya at inalalayan akong tumayo ng maayos habang hawak pa din ang kamay ko. 

*dugdugdugdugdugdug*

"O-okay lang." sagot ko. 

"Vi!" napalingon ako sa tumawag sa'kin at nakita si Aiden. 

"A-aiden--" nagulat ako nang kinalas niya ang kamay ko sa kamay ni Terrence at siya naman ang humawak sa kamay ko. 

"Okay ka lang?" tanong ni Aiden. Tumango na lamang ako at tinignan si Terrence na napayuko na lamang at umalis na sa harapan namin ni Aiden. "Aalalayan kita okay?" tumango nalang ako at hinayaan siyang aalalayan ako para tuluyang makasakay ng bangka. 

2-seaters ang bangka. Eh syempre, ano pa bang magagawa ko kundi si Aiden ang katabi ko.

"Sige po Ma'am's and Sirs. Pakisuot nalang po nitong mga life vests." sambit nung isang crew at inabutan kami ng mga life vest. 

"Here you go Vi." sabi ni Aiden at inabot sa'kin ang isang life vest. Naglabas ako ng maliit ng ngiti.

"Thanks Aiden." sagot ko at sinuot na ang life vest. 

Nagsimula ng umandar ang bangka at nakitang nagsi-picturan na ang buong barkada.

Inilabas ko na din ang phone ko at sinimulan na ding mag-take ng photos habang umaandar ang bangka. Medyo malakas ang alon pero keri naman.

(Minutes later)

"Sige po mga Ma'am's at Sirs. Nandito na po tayo sa first stop natin. Ang Cochino's Point or known as the thumb." sambit ng aming tour guide na crew din sa bangka. 

Bumaba na kaming lahat ng bangka at inalalayan ako ni Aiden pababa dito at nakitang nakatingin sa'min si Terrence.

"Vi?" tawag ni Aiden kaya napatingin ako sa kanya at napatingin ulit kay Terrence pero nakitang tumalikod na ito at naglakad papalayo kaya tinignan ko na muli si Aiden. "Let's go. Aakyat pa tayo sa itaas." nakangiti niyang sabi. Ngumiti na lamang ako at tuluyan ng bumaba ng bangka.

Dahil pa-vertical ang peak ay pahirapan ang pag-akyat namin. Inalalayan naman kami ng crew at naga-alalayan din naman kami. Habang umaakyat ay nakikita kong inaalalayan ni Terrence si Candace pero tumatanggi si Candace. 

Ako nalang kasi ang alalayan mo Terrence, hinding-hindi kita tatanggihan.

Hay nako Vi. Stop daydreaming.

Kaya habang paakyat kami si Aiden ang umaalalay sa'kin.

Ilang minuto lang ay sa wakas nakarating na kami sa taas.

"WOAAAHHH." sabay-sabay naming sabi. As in woah talaga dahil napaka breathtaking ng view sa itaas. Worth it ang pahirapang pagakyat.

Nag-take ako ng iilang pictures gamit ang polaroid camera ko at nahagip ng paningin ko si Terrence na mag-isang nakatayo habang tinitignan ang view kaya kinuha ko ang pagkakataong kunan siya ng litrato.

Kinuha ko ang printed na image at napangiti.

Hanggang kailan mo ba ako tatalikuran Terrence? Hindi mo man lang ba talaga ako mapapansin?

~*~*~*~*~*~*~

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon