Chapter 41

73 2 0
                                    

I'll be there

"Vi tahan na." sabi ni Max habang patuloy pa din akong umiiyak sa nangyari sa mall kanina.

"Ang s-sakit Max. *sobs* N-na ganun y-yung tingin ni C-candace sa'kin. *sobs*" sabi ko habang patuloy na humahagulgol.

"Pag ako talaga di nakatiis papatulan ko na talaga yung babaeng yun!" giit ni Max.

Nagulantang kaming dalawa ni Max nang bumukas bigla ang pinto ng kwarto ko at nakita si Aiden.

"Vi!" tawag niya at nilapitan ako. 

"A-aiden---" naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong niyakap.

"Sorry kung hindi na kita nakakasama. Sorry kung nawawala na ako sa tabi mo. Sorry." 

"W-wala k-kang kasalanan A-aiden *sobs* K-kasalanan ko d-din. *sobs*." kumalas na siya sa yakap.

"Wag mong sabihin yan. Kasalanan ko din okay? Kasi hindi ko napapatunayan sa'yo yung mga sinasabi kong mahal kita at kailangan kitang protektahan. Protektahan mula sa g*g*ng Terrence na yun." galit niyang sabi. 

Halata sa kanyang galit na galit siya kay Terrence dahil wala na nga itong ginawa kundi ang saktan ako.

Pero si Aiden ang laging nandyan para i-comfort ako.

"A-aiden. *sobs* Wag mong sisihin ang sarili mo okay? *sobs* Kasalanan ko dahil h-hanggang ngayon s-siya pa din ang m-mahal ko, kaya patuloy pa din akong n-nasasaktan *sobs*." 

"Uhh guys, iiwan ko muna kayo saglit ha." singit ni Max at dumiretso na siya papalabas ng kwarto at naiwan nalang kami ni Aiden sa loob.

Tinignan ako ni Aiden.

"Won't you really give your heart a chance to love anyone else except Terrence?" direkta niyang tanong. Nababasa ko sa mga mata niya ang kalungkutan na nakikita niya akong nasasaktan kay Terrence, at yung kalungkutan na hindi ko siya mahal.

Napayuko na lamang ako but he held my chin para makatingin ako sa kanya. He wiped my tears away.

"Vi, mahal na mahal kita. At kaya kong patunayan yun sa'yo. If you fall, I'll catch you, sinabi ko na yun sa'yo diba? I'll never give you up."

~*~*~*~*~*~*~

November 4 na ngayon at sa November 7 ay ang birthday ni Dimple.

At syempre, tuwang-tuwa ang ate mo dahil debut niya nga.

Pero kakaiba ang magiging debut niya dahil mago-outing daw kami di umano sa 5 fingers cove sa Mariveles, Bataan. 

Syempre ang buong barkada doon kasama si Aiden.

At si Candace.

"HA?! BAT KAILANGAN PANG KASAMA YANG BRUHANG CANDACE NA YAN?!" sigaw bigla ni Maxienne kaya nagulantang kaming lahat.

"Kumalma ka nga Max." sambit naman ni Steven. "Ikaw ba ang magd-debut ha?" tanong niya. Inirapan na lamang siya ni Max.

"Max, gusto ko kasi 'tong magiging debut ko, maging night of reconciliation." napatingin kaming lahat kay Dimple. "Kasi sa totoo lang feeling ko sira na 'tong barkadahan natin dahil sa lablayp na yan. Oo, aaminin ko may lovelife din naman ako ngayon pero wala akong nakakaalitan. Unlike Vi, kay Terrence at Candace diba? Syempre nadadamay din si Aiden at ikaw din Max. Lahat nadadamay sa gulo kaya kailangan nating magka-ayos-ayos." sambit ni Dimple.

Well may point siya. Nasira na ang pagkakaibigan namin ni Candace dahil lang kay Terrence.

"So eto ang plano ko, we'll gonna have a 3 days and 2 nights stay in 5 Fingers Cove. Wala kayong poproblemahin sa transpo, tent, and entrance fee dahil kami ng mga parents ko ang bahala doon. Extra money, foods at iba pa nalang ang ip-provide ninyo." nakangiting sabi ni Dimple.

"So kung tent, ibigsabihin magc-camping tayo?" tanong ni Kirsten. Tumango si Dimple.

"Edi kung tayo-tayo lang din. Walang 18 roses, candles, and ka-ek-ekan na mangyayari?" tanong ni Max kaya tumango si Dimple.

"Yup." sagot ni Dimple. "November 6, morning, we'll gonna leave Manila at b-byahe na tayo papuntang Bataan." dugtong niya. Tumango-tango na lamang kami. "Kirs, make sure Terrence and Candace we'll go with us." tumango naman si Kirs. "And Vi, pakisabihan na din si Aiden." tumango din ako. 

"Alright, everything's settled then." 

~*~*~*~*~*~*~

Kasalukuyan akong nasa mall ngayon para mamili ng mga gagamitin namin para sa biyahe bukas papuntang Bataan. As usual, may mga guard na nakapaligid sa'kin kaya konti lang ang mga taong nakakalapit sa'kin. 

May listahan ako ng mga bibilhin at oo ako lang ang mag-isang namimili dahil ang pinsan kong magaling sinamahan si Maxienne. 

"Asan na ba yung mga sabon dito?" tanong ko sa sarili ko habang lumilinga-linga sa paligid ng grocery nang napukaw ng pansin ko ang isang batang lalaking pilit inaabot ang isang pagkain na mataas sa kanya. Na-cutean ako at natuwa at the same time kaya itinulak ko ang pushcart ko papalapit sa kanya kaya napatingin siya sa'kin. Ngumiti ako sa kanya.

"Hello." malambing kong sabi sa bata at nag-squat para magkatapat kami. Ngumiti siya sa'kin.

"K-kayo po yung magandang girl na l-lagi kong napapanood sa TV. Si Ate Violet." lumawak ang ngiti ko. 

"Talaga. Napapanood mo ako?" tumango siya. Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya at tinignan ang pagkain na gusto niya kanina pang maabot. "Yun ba yung food na gusto mo?" tumango siya sa tinuro ko. Tumayo ako at kinuha ang pagkain at inabot sa kanya. "Here you go." sambit ko. Ngumiti siya.

"Thank you po!" masaya niyang sabi at niyakap ako. Ang bango ng batang 'to. Huehue. Kumalas din siya agad sa yakap. Ginulo ko ang buhok niya. "Sige po Ate Violet baka po kasi hinahanap na po ako ni Mommy. Babye po!" ngumiti ako. 

"Sige. Babyeee." sabi ko at kumaway siya sa'kin saka tumakbo papalayo. Tumayo na ako nang makita ko si Aiden.

"Aiden!" nakangiti kong sabi. Nakita kong may iilan siyang hawak na mga pamili. 

"Hey Vi." bati niya at ngumiti din. Nilapitan ko siya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Eto bumibili ng mga gagamitin para sa camping natin." sagot niya. "I'm so glad na makakasama ako sa inyo." ngumiti ako.

"Oo naman 'no. Kaibigan kita kaya kaibigan ka na din nila."

"Balita ko, kasama daw si Candace." sambit niya kaya napawi ang ngiti ko.

"Yeah. Wala eh." iyon na lamang ang nasabi ko. Bumuntong-hininga siya at hinawakan ang kamay ko. 

"Wag kang mag-alala, kasama mo ako doon. Saktan ka man ni Terrence doon dahil nandun si Candace. Nandito ako para i-comfort ka. I'll be there for you Vi."

~*~*~*~*~*~*~*~

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon