Chapter 63

57 1 2
                                        

Umulit

Terrence's POV

"Ano na 'tol? Wala ka pa ba talagang balak na tanungin siya kung pwede mo na siyang maging GF?" tanong sa'kin ni Lean. 

"Malapit na 'tol. Kumukuha lang ako ng magandang tyempo." sagot ko naman.

"Hmm. What if sa birthday nalang ni Kirsten mo siya tanungin? I mean. Diba nga nasabi niya na sa'ting sa isang resort daw siya magc-celebrate?" sambit ni Charles at sumubo ng pizza. 

Kasalukuyan kasi kaming nasa condo ko ngayon. Tumatambay lang.

"Nasabi niya nga. Sa Lost Maiden Resort ba yun?" sabi naman ni Lean. Tumango naman ako.

"Pagmamay-ari iyon ng Tito't Tita ko. Which means, parents ni Kirs." sabi ko kaya nanlaki ang mga mata ng dalawa. 

"BAT' NGAYON LANG NAMIN NALAMAN YAN?!" sambit ni Charles.

"Oo nga. Wala namang sinasabi sa'kin ni Kirs na ganun." sabi naman ni Lean. 

"Teka nga 'tol, ilang taon mo na bang nililigawan yang pinsan ko at hanggang ngayon di ka pa din sinasagot?" taka kong tanong. 

Ganun din sila Maxienne at Steven. Hanggang ngayon ay hindi pa sila.

"Ewan ko ba diyan sa pinsan mo. Hindi ata ako makita." sagot naman niya. Nagkatinginan naman kami ni Charles. 

"Antay-antay lang Lean." sabi naman ni Charles.

"Minsan nga 'tol. Iniisip ko na din na gumive-up nalang din. Parang nakikita ko kasi wala akong pag-asa eh." sambit ni Lean. Tinapik lang namin ni Charles ang balikat niya. 

"Meron yan 'tol. Baka naman humahanap lang din ng magandang tyempo si Kirs." sabi ko para kahit papaano gumaan ang pakiramdam niya.

"Salamat mga 'tol." sabi niya saka siya ngumiti. "Ikaw naman Santiago, bat' ayaw mo pang yayaing magpakasal si Dimple ha?"

"Nagdadalawang-isip nga ako 'tol eh." napatingin naman kami kay Charles. 

"Huh? Bakit naman?" taka kong tanong. "Ilang taon na din kayo ha. 5 years? 6 years?" 

"5 palang 'tol. OA ka masyado." tawa niya.

"Oh, bat' ka nagdadalawang isip?" tanong naman ni Lean at sumubo ng pizza.

"Diba nga kumuha na siya ng pre-med niyang BS Bio? Binabalak niyang mag-pursue sa pagd-doctor." napangiwi naman kami ni Lean.

"Oh, anong masama dun---"

"'Tol anim o limang taon pa ang aantayin ko bago ko siya tuluyang pakasalan. Kaya hindi ko pa siya pwedeng yayain." sagot ni Charles.

"Saklap naman niyan." sambit ni Lean. 

"Sus, masaklap yung iyo 'no. Ni wala ka pa ngang girlfriend kasi di ka pa sinasagot ni Kirs!" asar ni Charles kaya napairap si Lean. Natawa na lamang ako nang biglang nag-vibrate ang phone ko. 

----

From: Isa Ferrer

Hey Terrence, hindi ka ba pinaalahanan ng PA mo? May meeting tayo ngayon regarding sa series.

----

Napangiwi naman ako sa nabasa ko. Meron ba talaga?

Tinext ko na lamang si Erika.

----

To: Erika

Erika, may meeting ba ako ngayon regarding sa series?

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon