Chapter 33

77 1 0
                                    

Her Friends

October. Oo, october na. Bilis diba?

Tahimik lamang akong kumukuha ng mga libro ko sa aking locker para sa next subject ko mamaya.

Tinignan ko ang dalawang guard na nakabantay sa'kin dahil magmula noong June ay sinabihan na nila Mommy at Daddy ang aming principal na ipa-bantay ako dahil nga...

Sikat ako.

Oo, sikat. Kahit wala na ako sa bandang LG. 

Kaya di ako malapitan ng ibang estudyante dito sa EU dahil may nakabantay sa'kin. Ang tanging nakakalapit lamang ay ang mga kaklase ko lalo na ang mga kaibigan ko.

Hindi na pumapasok sila Terrence, Lean, at Charles dito sa EU dahil homeschooled na lamang sila sa sobrang sikat na nila. Dahil doon, napilitan ang agency lalo na si Manager na ipa-homeschool sila. Syempre, under pa din sa supervision ng EU. 

Kung nasa banda pa din kaya ako, ipapa-homeschool din ako?

Ilang buwan na din ang nakalipas nang naging sila Terrence at Candace na. 

Ilang buwan na din ang nakalipas magmula noong umamin si Aiden na mahal niya ako.

Ilang buwan na din ang nakalipas nang marami ng nagbago sa barkadahan.

Umalis na muli si Avery ng bansa at bumalik na ng US.

Nanliligaw na ang kumag kong pinsang si Steven sa bestfriend kong si Maxienne.

Umamin na si Charles na nagugustuhan niya si Dimple.

Umamin na din si Lean na gusto niya si Kirsten.

Basta sa mga nakalipas na buwan ay madami ng nagbago.

At masaya din naman ako kahit papaano.

Kahit na masakit pa din para sa'kin na hanggang ngayon, sila Candace at Terrence pa din.

"Alam mo Vi. Hindi rin kita maintindihan eh. Why won't you give Aiden a chance na ligawan ka?" tanong ni Max na katabi ko ngayong Gen. Chem I na subject.

"A-ayoko naman kasing umasa siya---"

"Kasi hanggang ngayon si Terrence pa din ang mahal mo? Bes, move on! Let go! Hello! Months na ang nakalipas since that scenario happened. May girlfriend na siya okay? Masaya na siya. Masaya na siya dahil nakuha niya na, finally! Ang childhood bestfriend kuno mo." sambit niya.

Magmula noong araw na umamin sila Candace at Terrence na sila na, hindi ko na sila nakausap pang muli.

Pero ewan ko, abnormal na ata ako. Si Terrence pa rin ang mahal ko kahit na hindi ko na siya masyadong nakikita at nakakausap.

"Max, alam mong hindi ganung kadali yun---"

"Bes hindi naman naging kayo eh." direkta niyang sabi na kumurot sa puso ko. "Nagiging mahirap lang kasi lalo mong pinipilit sa sarili mong siya pa din at wala ng iba kahit na meron na siyang iba. Look, he doesn't even care about you. Hindi ka na niya kinakausap o kinakamusta man lang unlike Lean and Charles and of course Aiden." dugtong niya. "Bes wag ka ng umasa pang mapapansin ka pa nun dahil sa iisang tao na lamang siya nakatingin ngayon. At si Candace yun." dahil sa sinabi niya ay nagbabadya tumulo ang luha ko. "I'm telling you these things because I care about you. Ayoko na nahihirapan ka dahil sa kanya. Look to the bright side. Give Aiden a chance. Malay mo, sa kanya ka na pala magiging masaya ng tuluyan." dugtong niya. 

Should I give Aiden a chance and let go of Terrence?

~*~*~*~*~*~

"Malapit na birthday ni Terrence ha." sambit ni Dimple sabay subo sa kinakain naming piattos.

"Kaya nga eh. Puspusan na yung mga preparations para dun." sagot naman ni Kirsten na pinsan ni Terrence.

"Panigurado, puro mga sikat yung nandun." singit naman ni Max. 

"Hi girls!" napatingin kaming lahat sa pinto ng bahay namin at nakitang pumasok sila Steven, Charles, at Lean.

"Uy! Nandito pala kayo Lean at Charles. Pasok." sambit ko naman sabay ngiti.

"Thanks Vi." ngiti pabalik ni Lean at umupo sa tabi ni Kirsten.

"Salamat Vi! Oh by the way. Bumili kami ng dagdag na foods para di na tayo magutuman." sambit ni Charles at umupo na sa tabi ni Dimple.

"Thanks Charles." sabi ko naman sabay kuha sa mga pagkaing inabot niya sa'kin at dumiretso sa kusina.

Pagbalik ko ng sala ay nakita kong naglalambingan na ang tatlong pairs at nakita sa kanila ang kasiyahan sa piling ng isa't isa. Although na hindi pa naman sila.

Ako kaya kailan magiging masaya?

"Vi, tagal na since noong tinanong ka ni Aiden kung pwedeng manligaw ha? Hindi mo pa ba siya sasagutin ng oo?" tanong ni Charles.

"Ah-eh.."

"Hay nako Charles, kung alam mo lang. Hulog na hulog pa din siya doon sa kumag ninyong kabanda ni Lean." singit ni Max. Napangiwi ako.

Oo, alam na ng buong barkada na mahal ko si Terrence.

Sadyang si Terrence na lamang ang hindi nakakaalam at syempre, si Candace.

"Vi, isn't about time na you let go of him?" sambit naman ni Lean. "I mean, hindi na healthy eh. You're continuing falling for someone who is already falling harder for another person."

"Vi, ayaw kitang masaktan okay?" sabi ni Kirsten. "Pero nakikita ko kasi kay Terrence kung gaano siya kasaya tuwing kasama niya si Candace. I think my cousin's already fallen hard and crazy in love with Candace. Hindi na mababago yun."

"Iba rin talagang magmahal yang pinsan mo 'no Kirs? Pero manhid din." singit ni Dimple. "Vi, we, kaming lahat na kaibigan mo umaasa na sana isang araw makalimutan mo na yang nararamdaman mo para kay Terrence." dugtong ni Dimple. "Tama naman si Lean eh, it's not healthy. Nasasaktan ka para sa taong walang pakialam sa kung anong nararamdaman mo. We are trying not to be harsh with our words towards you pero kasi, we all think na ito yung paraan para sabihin sa'yo na it's about time that you let go and move on and of course, give Aiden a chance." dire-diretsong sabi ni Dimple.

"Galing naman ng baby kong magbigay ng advice." nakangising sabi ni Charles. Napangiti naman ako.

"Thank you guys for giving me advises when I need it. Don't worry, I'll do my best na let go of Terrence. Although medyo mahirap." sambit ko sabay yuko.

"Hey." sabi ni Max sabay hawak sa magkabilaan kong balikat. "Hindi magiging mahirap ang lahat kasi nandito kaming mga kaibigan mong naka-suporta sa'yo." sabi niya sabay ngiti.

"Tama si Max." singit naman ni Steven sabay tabi kay Max. "Always remember that we are always here for you 'couz. We always got your back." napangiti ako sa sinabi ni Steven.

"Group hug!" natawa kami sa sinabi ni Charles pero ginawa na din ang gusto niya.

I'm really so blessed with my friends.

~*~*~*~*~*~*~*~

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon