Prologue

4.1K 87 5
                                    

Para akong kabayo na tumakbo sa isang karera pagdating ko sa entrance ng mataas na gusali ng pinagtra-trabahuan ko. Inis akong napa-angil sa sarili. Wala pa akong isang lingo mula nang magsimulang pumasok pero na-late na agad ako.

"Saglit!"

Halos madapa ako sa paghabol sa pinto ng elevator nang matanawan itong papasara na.

Nagbukas naman ito bago magsarado nang pindutin ng babae sa loob ang hold-button. Halos lumabas ang puso ko sa sobrang hingal nang makapasok, pansin ko ay kami lamang dalawa ang nasa loob.

"Salamat po.." magalang kong wika at ngumiti doon sa babae, ngunit imbes na tumugon ay tinignan lamang ako nito at binaling na uli ang tingin sa harap.

Lihim akong napasimangot sa aking isip. Tama nga ako at may mataas siyang katungkulan dahil tulad ng iba ay maldita din ito. Mariin ko itong pinagmasdan at kinabisa ang kaniyang mukha upang sa susunod na makita ko ito mula sa malayo ay alam ko nang iiwas ako.

Well, she wears a blank expression but that doesn't restrict me to watch how her complexion perfectly suits on her. Her face is adored, she had a pair of black almond shape eyes that framed by thick lashes, fine-lined brows, a perfectly shape nose, and a thin kissable red lip – all beautiful featured for her heart shape face.

Bilang babae ay inggit ako sa gandang meron siya at para siyang nagniningning sa sobrang puti niya. Isa pa, parang natural tignan ang tuwid niyang itim na buhok. Hindi siya manang tignan sa suot na salamin kung saan kumukumpleto sa suot nito. I'm not that familiar with the brands but I'll bet that it will not cost less than ten thousand ang suot niyang hapit na pencil-cut skirt na pinartneran ng magandang klase ng tela na gray coat at nagniningning na Michael Kors na silver watch na nakasuot sa kaliwa niyang kamay, doon ko napansin ang makinis niyang kutis at mukhang malambot na balat.

"Stop checking me out," masungit na sabi nito habang deretso pa rin ang tingin sa pinto ng elevator.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig as I realized that I was staring at her for a long period. Bigla akong napaayos ng tayo at napayuko na lang, ramdam kong agad na nag-init ang mukha dahil sa kahihiyang ginawa.

Ngunit agad ding umalingawngaw sa apat na sulok ng elevator ang hiyaw ko nang biglang umalog nang malakas ang elevator at namatay ang ilaw nang ilang segundo. Natumba ako ngunit hindi agad ako makatayo dahil ramdam kong may mabigat na nakadagan sa akin. Ilang sandali ay nabuhay ang ilaw at d'on ko lang napagtanto na aksidente rin palang natumba ang kasama kong babae sa akin.

Awtomatikong tumigil ang sistema ko nang mapagtanto ang posisyon namin. Nasa taas ko siya at sobrang lapit ng mukha naming dalawa, halos ramdam ko ang malalim niyang paghinga. Hindi ko rin alam pero nadadarang ako sa bango ng gamit niyang perfume.

At first, we're just staring at each other eyes when in just a snap, my eyes widen when I feel her lips against mine - when she kissed me. I first realized how soft her lips is before my body reacted, pilit ko siyang tinutulak sa balikat ngunit dahil nasa ibabaw ko siya ay kulang pa rin ang lakas ko.

She tried to move her lips but I didn't respond, so she purposely bit my lower lips upang maibuka ko ang aking labi kung saan ay mabilis niyang pinasok ang kanyang dila at naglaro sa loob ko. Mas lalo niyang nilaliman ang halik at hinawakan pa ang dalawa kong kamay nang madiin upang hindi ako makawala.

Ang likot ng dila niya na pilit pinapasabay ako sa ritmong ginagawa niya. Masasabi kong nakakadala ang paraan niya nang paghalik ngunit kahit anong lambot ng labi niya ay winawaksi iyon ng utak ko at sinasabing babae siya.

Pilit akong nagpupumiglas nang agad kong maramdaman na nauubusan na ako ng hangin sa katawan, kaya pinilit kong nag-ipon ng sapat na lakas upang maitulak siya.

Kahit nanghihina ang mga tuhod ay dali-dali akong tumayo nang magtagumpay ako. Hawak-hawak ko ang labi habang naghahabol ng hininga, nagsumiksik ako sa gilid ng elevator at nakatingin lamang sa kanya gamit nang halo-halong emosyon. I can't form any coherent word inside my head and I feel too much shiver running from my spine to all over my body.

Napatingin ako sa pinto ng elevator nang tumunog ito at tumigil sa isang floor kung saan agad na lumabas yung babae.

Naiwan akong tulala at puno ng tanong ang isip.

Sino siya? Bakit niya ako hinalikan?

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon