CHAPTER 2 "SELOS"

5.9K 170 5
                                    

DEX'S POV

Eto na naman ako panibagong araw na pagpapanggap, Minsan pumapasok din naman sakin na umamin na talaga kay Mark.

Pero Hanggang ngayon wala paden akong lakas ng loob na sabihin sa kanya yung totoong nararamdaman ko dahil natatakot na baka mabago yung lahat sa amin.
Na baka masira yung pagkakaibigan na iningatan namin pareho ng ilang taon
Nag-aantay ako ngayon kay Mark dahil sabay nga kami papasok, Tssk kainis sya sabi nya kagabi aagahan nya pero ako pa pala ang nag-aantay sa kanya.
Ilang saglit din ay dumating naman na sya.

"Sorry Traffic kasi" bungad nya sakin

"Tara na baka malate pa tayo"

Naglakad na kami papunta sa sakayan, at katakataka kasi tingin sya ng tingin sa Cellphone nya.

Sumakay agad kami sa Jeep at ang loko hindi nagsasalita dahil parang may Ka chat ata at parang kinikilig pa.

"Sino yan?" tanong ko sa kanya.

Bigla nyang tinago yung Cellphone nya.

"Ah eh wala mga kalaro ko lang"

"Kalaro? Pero bakit ka kinikilig? Siguro nililigawan mo yan ah?"

"Ha? Kalaro ko nga lang promise"

"Wag ako Mark, Ikaw ha nagsisinungaling kana sakin akala ko ba Bestfriends Tayo?"

"Promise nga mga kalaro ko lang yon"

Sumangayon nalang ako sa kanya Pero alam kong nagsisinungaling sya, Kilala ko si Mark alam ko kung nagsisinungaling sya o hindi.

Pero bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso, Hayysss! Hindi ako mapakali! ano ba tong nararamdaman ko?
Nagseselos ba ako? Hindi ito pwede!
Hanggang sa makarating kami sa school ay tahimik lang ako muntik pa akong madapa dahil sa lalim nang iniisip ko, Mabuti nalang nakaalalay sakin si Mark.

"Ayos kalang ba? bakit parang ang lalim ng iniisip mo? may problema kaba?" Alalang tanong nya

"Ah eh wala, medyo masama lang yung pakiramdam ko"

Lumapit sya sakin at hinipo ang noo ko.

"Wala naman ah, Hindi ka naman mainit"

Hindi ko nalang sya pinansin at nagdire diretso papunta sa room.

"Girl anyare sayo? may LQ ba kayo ni Mark?"

Tiningnan ko lang sya nang masama, LQ talaga? Eh hindi nga naging kami ni Mark.
Si Mark panay tingin sakin Pero hindi ako makatingin sa kanya ng diretso, Iniisip ko padin yung sa ka chat nya.

Ilang saglit lang ay dumating na yung Prof. namin sa subject na UNDERSTANDING THE SELF kaya umayos kami nang pwesto.

"Okay Class, i want you to choose who will be your partner dahil meron tayong activity na gagawin"

Tumingin agad sakin si Mark, Tumayo sya at lumapit sakin biglang bumilis yung tibok nang puso ko. Kakaiba to sa lahat ng naramdaman ko kay Mark dati kinakabahan ako na ewan.

"Dex partner na tayo"

"Sorry Mark partner na kami ni Miles"

"Ganon ba?"

Hala naguilty ako sa ginawa ko!! huhu

"Hindi Dex kayo nalang ni Mark ang magpartner, May partner nadin kasi ako"

Tiningnan ko nang masama si Miles tssk! hindi sya marunong makisama kainis naman sya eh!

"Yun naman pala eh"

Tumabi si Mark sakin at itong si Miles pumunta na sa kapartner nya at pangiti ngiti pa.

"Ngayon nakapili na kayo ng mga partner nyo, Ang activity na gagawin natin ay isusulat nyo sa isang papel ang first impression nyo sa kapartner nyo. Then iiexplain nyo yon isa-isa sa harap" nakangiting paliwanag ng prof. Namin

KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon