DEX'S POVSince galing akong bahay hindi na ako nakasabay kay Nathan pag-pasok, Pero kahit paano nakakamiss din pala yung lalaking yon.
Pagkapasok ko sa school at Habang naglalakad ako ay may lumapit sakin na isang estudyante."May nagpapabigay po sa inyo"
Inabot nya sakin yung isang box, Medyo malaki yon. Kinabahan din ako kasi baka pagbukas ko ay bomba ang laman non haha.
"Ah eh kanino po galing to?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko din po kilala, Pero ang sabi niya iabot ko daw sa inyo"
Pagkatapos non ay umalis nadin sya. Actualy my clue na ako na si Nathan yon dahil sya lang naman ang mahilig gumawa nito.
Gumilid muna ako para tingnan kung anong laman non. Pagbukas ko ay larawan namin ni Nathan ang nakalagay, Naka frame na sya. Ito yung kuha namin nung New Year at nakakiss sya sakin. Binalik ko agad sa loob yung frame na may picture namin dahil baka may makakita non.
"Dex anong ginagawa mo dyan?"
"Ay kalabaw!"
"Haha sorry nagulat kita, Ano ba kasing ginagawa mo dyan?" -Dan
"Ah eh wala may chineck lang kasi ako sa bag ko"
"Amo yang hawak mo?" -Dan
OMG napansin nya yung hawak ko! What to do? Huhu
"Ito? wala to hehe"
Niyaya kona paalis si Dan para hindi na sya masyado mag-usisa haha.
Habang naglalakad kami ni Dan ay naka recieve ako ng message galing kay Nathan.
'Dex akyat ka mamaya sa rooftop'
Ano ba kasing gusto ni Nathan, Bakit ba nya ako pinapahirapan? Hindi na ako nagreply sa kanya.NATHAN'S POV
"Hoy bro? Bakit ka nakangiti dyan?" -Dave
"Paki mo?"
"Sino ba kasi yang Ka text mo?" -Dave
"Baka bago nyang babae hahaha" -Steve
Nagtawanan pa sila na may kasamang apir, Tsk mga immatured talaga. Kapag hindi ko hinabaan ang pasensya ko sa kanila baka mabugbog kopa sila haha.
Habang nag-uusap kami ay may hindi inaasahang dumating na nagpabago sa mood ko, Kanina ang saya kona pero nang dumating sya walang nangyari."What are you doing here?!"
"Nathan, Alis na muna kami ha?" -Steve
Iniwan ako ng apat kong kaibigan pati yung mga kasama ni Irish umalis din kaya kami nalang dalawa ang natira.
"I said what are you doing here?!"
"Nathan please, Mag-usap naman tayo" -Irish
"Para saan pa Irish?"
"Nathan pag-usapan natin yung tungkol sa ating dalawa, Alam kong mahal mo pa ako kaya please kausapin mo naman ako" -Irish
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa Irish, Matagal na tayong tapos kaya pwede ba tigilan mona ako"
"Bakit Nathan? Dahil may bago ka nang mahal? Sino yang babae na yan?" -Irish
"Oo may bago na akong Mahal, Pero hindi mona kailangan malaman mung sino sya"
Kung ano man yung meron kami ni Irish matagal ng tapos yon, Wala na akong nararamdaman sa kanya dahil may bago na akong mahal.
"Nathan sinasabi mo lang yan dahil nagagalit ka sakin, Pero alam kong ako padin ang mahal mo" -Irish
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...