DEX'S POV"Flowers for you"
"Seryos sakin yan?" tanong ko don sa lalaki
"Oo para sayo yan"Andaming nakatingin samin, Nahiya tuloy ako. Pero marami din nagulat at kinilig dahil aa ginawa nya.
Hindi ko maiwasan ang hindi kiligin, Dahil pakiramdam ko ang ganda ko talaga haha.
Kaya lang ang problema yung lalaking nasa harap ko ay hindi ko masyadong maaninag ang mukha.Ilang saglit pa ay nagising nalang ako, Hayss panaginip lang pala akala ko totoo na. Sayang naman, Lovelife na naging bato pa. Pero sino kaya yung lalaking yon? Sana sa next na panaginip ko makita ko na yung mukha nya ng maliwanag kaya lang ang sabi nila hindi nangyayri sa real life mga nangyari na sa panaginip mo.
Mabuti nalang marami akong uniform kaya hindi kona kailangan bumili pa ng bago, Binilhan din ako ni Tita ng mga bagong gamit (Ang bait nya) Nahihiya pa nga ako nung una pero ang sabi nya ay wag na ako mahiya dahil tulong na nya sakin yon.
Katulad ng nakagawian ay sabay ulit kaming pumasok ni Nathan, Kung ako lang sana ayaw ko na muna na magkasabay kami dahil baka makahalata si Kuya Alex.
"Kapag kailangan mo ng tulong Just text me" Bilin sakin ni Nathan pagkababa namin ng sasakyan.
"Kaya kona ang sarili ko, Wag mo na ako alalahanin"
"Tsk, Basta Text me if you need my help" -Nathan
"Opo boss"
"Hi Dex?" -Irish
Pareho kaming napalingon ni Nathan ng makarinig kami ng pamilyar na boses, Tumingin naman ako kay Nathan at mukhang nabago yung mood nya si Irish naman nakangiti lang pati yung sila Venus at Bea.
"He-Hello"
"Dex ayos kalang ba? Nabalitaan ko yung nangyari sayo" -Irish
"Oo ayos lang ako, Hindi naman ako nasaktan"
"Sigurado ka? Na riport mo naba sa Guidance yung nangyari?" -Irish
"Oo, Iimbistigahan daw nila"
"Nako sana mahuli nila agad yon, Para naman hindi na maulit yon. Alam mo na baka hindi lang gamit mo ang sunugin malay mo baka ikaw na yung sunugin" -Irish
Natakot naman ako bigla sa sinabi nya, Grabe naman siguro yon kung pati ako susunugin eh wala naman ang naalala na may naagrabyado akong tao.
"Hindi naman siguro"
"Who knows? Iba na ang panahon ngayon, Pero baka lang naman haha wag mo masyadong isipin ang sinabi ko" -Irish
Ngumiti lang si Irish kaya napangiti nalang din ako.
"What ever happen i will protect my cousin, I won't let anybody to hurt him" -Nathan
Hindi ko akalain na sasabihin yon ni Nathan sa harap ni Irish, Huhu ano na naman ba ang nasa isip nitong si Nathan.
"Ahh nakatutuwa naman, Sobrang close talaga kayo noh? Alam nyo kung hindi lang kayo mag-Pinsan iisipin kong May gusto kayo sa isat-isa" -Irish
Natahimik kami pareho ni Nathan, Grabe tuloy yung kaba ko dahil sa sinabi nya huhu baka nakahalata na si Irish, Sabi ko na nga ba eh dapat hindi na muna kami masyado naglalapit ni Nathan.
"Haha i'm just Joking, Alam ko naman na hindi mangyayari yon eh, Right Dex?" -Irish
"Ah eh oo syempre naman, Hindi mangyayari yon kasi magpinsan kami"
"Is that all? Kung wala ka nang sasabihin mauna na kami, You wasted our time. Let's go Dex" -Nathan
Naglakad na palayo si Nathan, Ngumiti nalang ako kay Irish at sumunod nadin. Woo muntik na kami don akala ko nakahalata na talaga si Nathan.
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...