CHAPTER 36

3.8K 136 13
                                    


DEX'S POV

Pagkauwe namin sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko para magpalit ng damit medyo inaantok nadin kasi ako, Nilapag ko muna si Nathan (Teddy Bear) sa may drawer ko At nagpalit ng pangtulog.
Nagtataka ako kasi hindi pa pumapasok si Nathan sa kwarto ko kaya lumabas ako para hanapin sya. Nang makita ko sya ay naglalatag sya ng banig sa may sala.

"Nathan anong ginagawa mo?"

"Ah naglalatag ako, Dito nalang ako matutulog" -Nathan

Bigla tuloy akong naguilty, Ano ba Dex! Napa rupok mo talaga!

"Wag kana maglatag duon kana sa kwarto ko matulog, Tutal kasya naman tayo don"

"Talaga?" -Nathan

Biglang Napangiti si Nathan sa sinabi ko, Tapos niligpit nya ulit yung nilatag nya haha. Syempre bisita namin sya kaya dapat maayos ang tutulugan nya. Kapag nandon ako sa kanila maayos naman nila akong pinapatulog at may sarili pa akong kwarto.

Pagpasok namin sa kwarto ay binigyan ko sya ng sarili nyang kumot at unan.

"Nathan baka wag mong isipin na kaya kita pinatulog dito dahil gusto ko, Kailangan lang kasi baka sabihin ni Tita pinapabayaan ka namin. Naintindihan mo?"

"Oo" -nathan

Kumindat sya sakin at kinuha yung teddy bear na napanalunan nya at nilagay sa gitna ng higaan.

"Bakit mo nilagay dyan?"

"Wala lang, Bakit masama ba?" -Nathan

"Sinabi ko ba?"

Humiga na kami at nasa gitna namin si Nathan (Teddy Bear) Pinikit kona agad ang mga mata ko dahil magiging busy na naman kami bukas dahil noche buena na.

"Goodnight Dex" -Nathan

Napadilat ako at napatingin sa pwesto nya nakatingin sya sakin at nagkatitigan kami.

"Goodnight Den, Matulog na tayo para hindi tayo puyat bukas"

Pumikit nako at niyakap ko nalang si Nathan, Panibagong araw na naman ang natapos.
Ang daming nangyari pero may isa akong natutunan ngayong araw na ang

"PAG-IBIG AY WALANG PINIPILING EDAD, KASARIAN, LUGAR, ORAS AT LUGAR. DAHIL KAPAG TINAMAAN KA, TINAMAAN KA"


NATHAN'S POV

Nang magising ako ay nakita kong mahimbing na natutulog si Dex at mahigpit na nakayakap kay Nathan, Tumayo ako para kumutan sya baka kasi lamigin sya. Pagkatapos ay bumalik nadin ako sa pagkakatulog.

Kinabukasan ay nagising nalang ako na wala na si Dex si Tabi ko, Pagtingin ko ng oras ay 10:15 am na. Masyado kasi akong nagenjoy kagabi sa perya kaya napuyat ako, Paglabas ko ng kwarto ay nakasalubong ko si Tita.

"Tita Asan po si Dex?"

"Nako nandon sa labas, Nakikipagchismisan sa mga kaibigan nya sa labas" -mama

Haha ang agaaga chismis talaga? Si Tita talaga kahit kailan napaka palabiro.

"Ganon po ba? Mga anong oras po ba pupunta dito si Mommy?"

"Mga 6 pa ng hapon yon" -Mama

Napagdesisyonan kasi namin ni mommy na dito na magcelebrate ng Noche Buena sa bahay nila Dex, Para mas marami mas masaya. Si Daddy kasi as usual hindi makakarating, Yung feeling na kung sino pa yung mga hindi ko talaga kadugo sila pa yung totoong nagmamalasakit sakin.


DEX'S POV

Masasabi ko na isa ito sa mga pinakamasayang Noche Buena na darating dahil bukod sa Kompleto kaming pamilya na magcecelebrate ay may dumagdag pa si Nathan at Tita Emman.

KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon