DEX'S POVNaglalakad ako sa hallway nang bigla kong makasalubong si Irish pati yung dalawang kaibigan nya.
"Hi Dex" -Irish
"Hello?"
"Dex wala ka bang gagawin ngayon? Gusto mo sumama samin?" -Irish
"Nako may klase pa kasi ako eh, Next time nalang""Mag skip ka muna sa klase mo sumama ka muna samin, Minsan lang naman to eh" -Irish
"Kaya nga naman Dex, Hindi ka naman babagsak dahil lang sa hindi ka pumasok ngayong araw" -Venus
"Pasensya na talaga Hindi pwede eh, San ba kayo pupunta?"
"We're going to mall, Magshoshopping" -Irish
"Lalong hindi ako makakasama sa inyo, Wala din kasi akong pera ngayon"
"Don't worry about the money akong bahala sayo, Kaya tara na wag ka nang pumasok" -Irish
Magsasalita pa sana ako pero hinila na ni Irish ang kamay ko kaya wala na akong nagawa. Pero grabe padin ang kaba ko dahil first time gagawin na mag cutting class, Sana lang hindi to makaabot kala tita.
Sumakay kami sa saksakyan ni Irish mayaman nga talaga sya at bagay na bagay silang dalawa ni Nathan.
Habang nasa byahe kami ay hindi paden ako makaimik dahil kabado talaga ako pakiramdam ko ano mang oras baka may makakita sakin."Dex okay kalang ba? Kanina kapa kasi tahimik: -Irish
"Ah eh oo, Okay lang ako"
"Wag mo nang isipin yung hindi mo pagpasok minsan lang naman to and i promise hindi na mauulit and if ever man na malaman to ni Nathan Ako ng bahala mag explain sa kanya" -Irish
Medyo nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya, Siguro kasi na kapag nalaman to ni Nathan yari ako don. Sinabihan pa naman nya ako na wag lalapit kay Irish.
Pagdating namin sa mall ay pumasok agad kami sa bilihan ng damit, Namili naman agad silang tatlo ako naman nakatayo lang at pinapanood sila.
"Dex pili kana ng kung anong gusto mo" -Irish
"Sige lang kayo nalang, Wala akong pera eh"
"Ano kaba, Ako ang magbabayad sige na pumili kana" -Irish
"Irish wag na, Nakakahiya naman atsaka ang mamahal ng damit dito"
"Wag ka nang mahiya, Sige kung ayaw mo ng bigay edi utang mo sakin to at bayaran mo nalang kapag may pera kana" -Irish
Nakakahiya man ay pumili nadin ako ng magagandang damit mapilit kasi si Irish hindi nya talaga ako tinigilan ang hanggat hindi ako pumipili.
Mabait naman pala si Irish, Hindi ko naman nakikita yung mga sinabi ni Jasmine na masamang ugali ni Irish ang nakikita ko ngayon ay ang mabuting Irish.
After naming mamili (Nila pala haha) Ay kumain kami nakakahiya man pero nilibre ako ni Irish wala akong ginastos kahit piso. Dumaan pa kami sa mga bilihan ng make up, Ganito pala kapag babae ka ang dami din gastos para sa mga kolorete sa mukha.
"Irish salamat pala dito ha? Promise babayaran ko to kapag may pera na ako"
"It's okay, But for now sumama ka muna samin meron pa tayong pupuntahan" -Irish
"Ha? Saan naman?"
"Basta sigurado ako na magugustuhan mo don" -Irish
Gusto ko na sana humindi kay Irish pero nakakahiya naman kung hihindian ko sya, Chineck muna yung oras dahil baka maghanap yon si Nathan hindi pa naman ako nagsabi sa kanya malolow bat. Nadin ako huhu bakit sumabay pa.
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...