DAN'S POVMagkasabay kami ni Dex ngayon dahil galing kami sa Canteen wala yung pinsan nya kaya walang asungot.
"Dex ano bang gusto mo sa isang lalaki?"
Medyo nagtaka sya tanong ko at napatingin sya bigla, Sh*t tama ba na tinanong ko sya.
"Bakit mo naman biglang natanong yan?" -Dex
"Wala lang curious lang ako"
"Ah okay, Una gusto ko Masipag at hindi tatamad tamad" -Dex
Ooy ako yan, Masipag ako haha
"Pangalawa Mabait" -Dex
Ako ulit yan, Mabait kaya ako halika kayo ililibre ko kayo.
"Pangatlo Tanggap ako at mahal ako kahit ano pa ako" -Dex
Ako Dex mahal kita at tanggap kita kahit bakla kapa, Wala akong paki sa sasabihin ng iba ang importante mahal kita.
"Ayaw mo ba sa mga gwapo, Malaki yung katawan yung mga ganon"
Hindi kolang naiwasan na hindi tanungin kasi alam nyo na hindi naman sa nanghuhusga ako pero ayon kasi ang basehan ng mga bakla para magustuhan nila ang isang lalaki.
"Aanhin ko ang gwapo kung hindi naman ako mamahalin ng totoo diba nga kapag gwapo daw mas marami kang makakaagaw at aanhin ko ang malaki ang katawan kung hindi naman ako kayang ipaglaban. Siguro yung mga ganyang characteristics ng isang lalaki additional nalang siguro" -Dex
Hindi naman sa pagmamayabang pero lahat ng katangian na gusto ni Dex ay nasa akin additional pa gwapo ako (Sabi ng mama ko) haha kaya lang hindi gaano kalaki ang katawan ko, Hindi kasi ako mahilig sa Gym.
Kaya ko nagustuhan si Dex kasi napaka simple nya lang at totoo sya yung tipo ng tao na hindi tumitingin sa panlabas na kaanyuan dahil mas importante padin yung ugali ng isang tao.
"Nahanap mo na ba yung taong sinasabi mo?"
"Oo, Nahanap ko na sya" -Dex
"Talaga sino naman?"
"Secret, Bawal sabihin" -Dex
"Ang daya naman"
Sino kaya yon? Ibig sabihin nahanap na ni Dex yung lalaking yon?
"Eh bakit ikaw nahanap mo na ba?" -Dex
"Oo nahanap kona din sya"
"Talaga? Sino?" -Dex
"Ikaw"
Parang gusto kong magtago bigla dahil sa naging sagot ko, Ewan ko ba parang may sariling buhay ang bibig ko at bigla bigla nalang magsasalita ng kung ano-ano.
"Ako?" -Dex
"Ah eh ang ibig kong sabihin Ikaw, Ikaw muna ang magsabi bago ako"
"Ah, Akala ko kasi ako yung taong hinahanap mo" -Dex
'Ikaw nga, At nahanap na kita kaso ang problema hindi ko masabi sayo nang diretso' Sabi ko sa isip ko.
"Haha hindi ah"
Nagpatuloy nalang kami sa paglakad at nakasalubong namin yung mga kaibigan ni Nathan.
DEX'S POV
Napapansin ko medyo nagiging weird si Dan, Nuong una may sasabihin daw sya sakin pero wag nalang daw kasi hindi naman importante tapos ngayon bigla nyang itatanong sakin kung anong gusto ko sa isang lalaki, Parang may mga hugot sya sa buhay na ewan.
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...