DEX'S POVMabilis na lumipas ang mga araw, Mga araw na gulong gulo ako sa totoo kong nararamdaman, Mga araw na sana nagsasaya ako pero hindi ko magawa, Mga araw na sana naghahanda kami para sa pagdating ng bagong taon.
Ilang oras nalang ang hinihintay namin para sa pagsapit ng bagong taon."Ui Dex parang ang lalim ng iniisip mo?" -Nathan
Nakatutulala ako habang nakatingin sa napakaganda at tahimik na kalangitan. Buti pa yung langit payapa lang at relax hindi katulad ko parang sasabog na ang utak kakaisip.
"Ah eh wala to"
"Bago yung kwintas mo ha? kanino galing yan?" -Nathan
Napahawak ako bigla sa kwintas na bigay ni Mark, Ayokong sabihin kay Nathan na kay Mark galing to dahil alam kong magagalit lang sya sakin.
"Ito ba? Bigay to ni Miles sakin"
Tumango lang sya at tumabi sakin at tahimik lang din na pinagmasdan ang kagandahan ng gabi.
Ilang minuto din kaming nakatulala, Nakatingin ako sa kalangitan pero pinapakiramdaman ko si Nathan naiilang padin talaga ako sa kanya.
"Ano bayan masyadong malungkot!" -Nathan
Kinuha nya yung Cellphone nya at pinindot yung camera.
"Oh anong gagawin mo?"
"Obvious ba? Edi magpipicture tayo, Para naman may remembrance tayo bago mag end ang year" -Nathan
"Nako wag na, Pangit ako sa picture---"
Magsasalita pa sana ako pero nag click na agad sya kaya wala na akong nagawa kundi ang ngumiti, Medyo naiilang pa nga ako kasi habang nagpipicture kami ay nakahawak sya sa bewang ko, Nakailang kuha din kami at yung pinaka last ay bigla akong hinalikan ni Nathan sa pisngi sa gulat ko ay naitulak ko sya ng mahina.
"Ano ba? Bakit mo ginawa yon?"
"Haha sorry, Nabigla lang" -Nathan
"Wag monang uulit yon, Pano kung makita tayo ni mama at Papa?"
"Hindi yan, Busy sila" -Nathan
"Panong busy eh tapos na magluto si mama"
"Alam mo nayon" -Nathan
Kahit hindi sabihin ni Nathan ay alam kona kung ano ang nasa isip nya, Kinurot ko sya sa tagiliran at niyaya na syang pumasok sa loob.
Pagsapit nang hating gabi ay lumabas muna kami nang bahay para mag-ingay since bawal ang paputok si mama bumili ng mga torotot Tawang tawa pa nga ako kasi para kaming mga bata, Dahil iwas disgrasya den Bumili din si mama nang ilang mga paputok na hindi delakado yung mga pailaw lang ba. After namin don ay nagsalo-salo kami sa MediaNoche, Si tita Emman kasi duon sa bahay nila maghahanda dahil darating daw si Tito Greg. Naiinis nga ako dito kay Nathan eh ayaw umuwe sa kanila sinabi ko na nga na umuwe sya para kompleto sila kaso ayaw din nya.
"Mga Anak kumain kayo nang madami ha?" -Mama
"Syempre ma, favorite ko kaya to lahat"
"Eh lahat naman ata favorite mo, Ang takaw takaw mo pero hindi ka naman tumataba" -Mama
"Ma! Pa si mama oh"
"Haha tama na yan wag na kayong mag-asaran nasa harap tayo ng pagkain" -Papa
Haha buti nalang nandito si papa at may kakampi ako laban kay mama Haha."Ma diba sabi ko gagamit tayo ng Paper Plate?"
"Hindi na ako nabili busy ako masyado" -Mama
Patay na naman ako nito bukas huhuhu bagong taon na bagong taon maghuhugas ako nang pinagkainan namin, Si mama talaga kahit hindi naman sya busy ayaw nya lang sabihin na gusto nya lang talaga ipagamit ang mga platong tinabi nya para sa mga ganito okasyon.
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...