DEX'S POV
Isa pa naman sa dahilan kung bakit masaya ako na nandito ako dahil makikilala ko yung Pinsan ko kaya lang may sabit yung atittude nya haha, Saan kaya sya nag mana? yung daddy nya naman mabait, at lalong hindi sa tita ko. Siguro dun sya nagmana sa totoo nyang mommy, Judgmental ko noh? haha.
Sabay sabay kaming nag-almusal pero hindi ako makakaing ng maayos dahil minamata ako ni Nathan, Siguro buntis sya at ako ang pinaglilihian nya ngayon? nako! ang swerte nya ang ganda ng napaglihian nya.
"Dex bukas na ang start ng klase mo" -Tita
"Oo nga po eh. Medyo kinakabahan ako"
"Sa una lang yan masasanay kadin, sigurado ako na magugustuhan mo sa bago mong school" -Tita
Ngumiti lang ako, Sa totoo lang nalulungkot padin ako dahil namimiss ko yung dati kong school syempre pati yung mga naging kaibigan ko at the same time sobrang excited ko dahil bukas na ako papasok sa bago kong school.
Pero si Nathan ang sama padin ng tingin sakin may hang over pa ata sya eh kaya ganyan kung makatingin.
After namin kumain ay tinulungan ko yung isa sa mga katulong na magligpit ng kinainan.
"Nako sir wag napo,Kaya ko napo ito"
"Hindi po gusto kopo talaga tumulong wala din naman ako gagawin ngayong araw"
Pumayag naman din sya, Mukhang mababait din ang mga katulong dito.
Tumulong din ako sa paglilinis ng bahay dahil sa wala nga akong magawa. Katakata na nagbubulungan yung dalawang katulong kaya sa sobrang curious ko ay nilapitan ko sila."Ah hello po? ano pong pinagbubulungan nyo?"
Nagulat naman sila sa pagdating ko.
"Ay kalabaw!"
Grabe sya sa daming pwedeng banggitin kalabaw talaga? pwede namang ay maganda! ay dyosa! pero kalabaw talaga?
Bale apat pala ang katulong dito, Si manang baby ang mayordoma sa bahay nato dahil matagal na syang kasambahay dito si ate Lucy (yung tinulungan ko kanina na magligpit ng kinainan) medyo matagal nadin at itong dalawa na nasa harap ko si ate Vick short for Marivick at si ate Erna yung nagsabing "Ay Kalabaw!"
Kanina kolang din sila nakakwentuhan after naming kumain."Nakakagulat ka naman Dex" -Ate Erna
"Ano po ba kasing pinagbubulungan nyo dyan?"
"Ito kasing si Erna ang sabi ko sya na mag linis dito sa Sala kaso ayaw nya" -Ate vick
"Ayoko nga ikaw nalang" -Ate Erna
"Bakit po ba ayaw nyong maglinis dyan?"
Nakakapagtaka lang kasi, bakit parang natatakot sila na maglinis sa sala wag nilang sabihin sakin namay multo dito huhu.
Lumapit sakin si Ate Vick at may binulong."Nandyan kasi yung anak nila mam Emman, Baka masigawan kami" -Ate Vick
"Oo nakakatakot yon" -Ate Erna
Ah kaya pala, Si Nathan lang pala ang kinakatukan nila.
"Mga ate wag napo kayo mag away dyan. ako na po ang maglilinis sa sala"
"Talaga?" ate Erna/Vick
Sabay pa talaga sila na nagsalita at lumiwanag ang mga mukha nila parang nabunutan ng isang malaking tinik. Umalis na agad sila at ako naman ay pumunta na sa may sala nakaupo don si Nathan na nagcecellphone akala mo hari sya eh, Nang makita nya ako ay tumayo sya.
"What are you doing here?!" -Nathan
Grabe naman to pinaglihi siguro sya ng mommy nya sa sama ng luob.
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...