CHAPTER 26

3.7K 134 0
                                    

DEX'S POV

"Nathan anong ginagawa mo?"

Magkatabi kami ngayon sa kama tapos bigla nyang hinawakan yung dalawa kong kamay.

"Ano pa ba sa tingin mo?" -Nathan

Hala! We!? HINDI PWEDE TO! anong gagawin ko?!!!?! Bakit hindi ako makakilos ano bang nangyayari sakin??????? Para akong naestatwa, Tulungan nyo ako!?!?!?.

"Nathan Ano baaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Napabalikwas ako nang bangon, At napagtanto ko na panaginip lang pala yon huhuhu buti nalang akala ko totoo na!
Tiningnan ko si Nathan Mahimbing syang natutulog, Bwiset na lalaking to hanggang sa panaginip ayaw akong Tigilan.

May kalokohan na pumasok sa isip ko wahaha makaka ganti na din ako sa kanya, Tingnan kolang kung hindi pa nya ako tigilan kakaasara wahahaha.


NATHAN'S POV

Nagising nalang ako na wala na si Dex sa tabi ko, Tiningnan ko yung oras sa phone ko 7:33 palang ng umaga. Ang aga naman non nagising?

Bumangon nadin ako dahil hindi na ako inaantok, Diretso agad ako sa Cr para mag sipilyo at maghilamos ng mapadaan ako sa kusina ay nakita ko si Dex na naghahain. Tumingin sya sakin at ngumiti, Bakit mukhang maganda ata ang gising nya? Hindi kaya may ginawa syang kalokohan sakin??? Tiningnan ko yung buong katawan ko, Wala naman akong nakitang kung ano. Pero hindi maganda ang kutob ko sa mga ngiti ni Dex, Parang may ginawa syang kalokohan.

"Nathan, Halika na dito para makapag-almusal kana" -Dex

Lumapit naman ako sa kanya at umupo na, Hotdog at itlog ang almusal namin Hindi ko padin inaalis ang paningin ko kay Dex at pilit na binabasa kung ano ang nasa isip nya.
Tiningnan ko din yung pagkain na hinain nya.

"Wag kang mag-alala walang lason yan" -Dex

Mukhang totoo naman yung sinasabi nya pero pakiramdam ko talaga parang may mali.

"Asan nga pala si Tita?"

"Nandon sa labas naglilinis. Mayamaya nandito nayon" -Dex

Himala talaga dahil kalmado sya at hindi man lang uminit ang ulo nya haha, Baka narealize din nya na dapat hindi nya ako tarayan at siguro nagsawa nadin sya haha.

Mabilis na natapos yung oras at nagpalam na kami kay Tita na babalik na sa bahay dahil may pasok pa kami bukas.

"Ui Nathan balik ka dito ha?" -Tita

"Wow ma? si Nathan talaga unang sinabihan mong bumalik ha?" -Dex

"Haha syempre ikaw Den, Ito namang anak ko nagselos agad" -Tita

"Opo tita babalik po ako dito"

Ang saya din pala mamuhay sa simpleng buhay lang, Kahit hindi maganda at malaki ang bahay basta masaya sapat na. Ayon naman kasi talaga ang importante sa isang Pamilya.

Yung pamilya kasi na pinangarap ko Nasira tapos ngayon naman nakahanap ng bagong asawa ang Daddy ko si mommy Emman ang tita ni Dex. Maayos naman sila kaya lang si Daddy busy lagi sa work nya kaya siguro ganito din ako naghahanap ng konting saya, Kaya nga kahit paano ay sumaya ako ng dumating si Dex sa bahay dahil may pinagtitripan ako haha hindi ako lumulungkot.

"Sige na mga anak, Umalis na kayo gabi na" -Tita

"Sige po tita"

Habang nasa byahe kami ay di talaga maalis sa isip ko kung bakit ang saya nitong si Dex pakiramdam ko talaga may mali eh.

"Bakit ka nakatingin sakin?" -Dex

"Ha? Ako nakatingin sayo? Bakit naman kita titingnan?"

Assuming din tong si Dex tinitingnan ko daw sya haha.

KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon