DEX'S POVHalos hindi ako nakatulog mag damag dahil sa nawawalang picture namin ni Nathan, Huhu walang pwedeng makakuha at makakita non malaking eskandalo yon kung magkataon.
Maaga akong nagising dahil gusto kong mahanap yung Box na yon.
Hindi na ako sumabay kay Nathan dahil ayoko nang madagdagan pa yung gulo sa utak ko dahil sa mga sinabi ko sa kanya kahapon. Akala ko kaya kong pigilan ang Feelings ko pero hindi pala, Kapag tinamaan ka talaga wala kanang magagawa kundi sundin ang sinasabi ng puso mo.NATHAN'S POV
Hindi ko akalain na sa kabila ng sakit na ginawa ni Irish dahil sa pag-iwan nya sakin ay magagawa ko pang magmahal ulit, At sa hindi inaasahan sa isang bakla pa na pinsan kopa pero hindi naman talaga kami magdugo.
Hindi ako nakatulog magdamag dahil paulit ulit kong naririnig yung mga sinabi sakin ni Dex kahapon, Na Mahal na nya ako. Mahal na ako ni Dex akala ko hindi nya ako mamahalin dahil si Mark padin ang nasa puso nya.
Masaya akong gumising at bumaba para mag-almusal pero na pansin kong wala pa don si Dex.
"Manang asan po si Dex?"
"Maaga syang umalis Nathan, Nagmamadali nga eh"
Si Dex?? Bakit naman sya aalis nang maaga at hindi nagsasabi sakin? Hindi kaya? Sumubo lang ako ng konti tapos nagmadali na akong naligo at nagbihis. Baka hahanapin nya yung picture naming dalawa.
Ang tanga tanga ko kasi, Bakit ba hindi ako nag-iisip?!?!?!! Sarili kolang kasi ang iniisip at hindi ko naisip yung eskandalong mangyayari. Pero sa kabilang banda ay may maganda ding naidulot yon dahil nalaman ko na mahal din ako ni Dex.
Pagdating ko sa school ay nakasalubong ko sila Irish.
"Hi Nathan? Sinong hinahanap mo? Si Dex ba?"
Tsk, Hindi ko alam kung ilang beses ko kailangan sabihin sa kanya na ayaw at hindi kona sya gustong makausap.
Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad dahil wala akong oras para makipag usap sa kanya, Dumiretso agad ako sa rooftop pero wala sya don, Pumunta din ako sa room nya pero wala din sya. Tsk, Dex asan kaba?????.Nag message din ako kaya lang hindi sya nagrereply sakin.
Saan ba pwede pumunta yon??
Nagtanong tanong din ako sa mga kaklase niya pero hindi din nila alam kung nasan sya.
"Tol sino bang hinahanap mo?" Tanong sakin ni Steve
"Si Dex"
"Yung pinsan mong bakla? Bakit mo naman hinahanap yon?"
"Pwede ba wag mo syang sasabihan ng bakla dahil may pangalan sya"
"Relax, Masyado ka naman hot haha"
"Bakit moba kasi hinahanap yon?" Sabat naman ni Dave
"Basta"
"Ayiie concern sya sa pinsan nya" pangloloko ni Steve.
Dapat pala hindi na ako pumunta dito sa tambayan namin dahil hindi naman ako nakakahanap ng matinong kausap puro may topak lahat.
Pero talagang concern ako kay Dex syempre Mahal ko yon eh kahit na magpinsan kami
DEX'S POV
Asan naba yung Picture nayon??? Huhuhu bumalik nadin ako sa rooftop pero wala talaga, Kaya nagtanong ako sa mga Janitor pero wala daw silang napansin, Nagkalkal nadin ako sa basurahan kung saan tinatapon yung mga basura sa buong campus pero wala akong nakita.
"Kuya wala po ba talaga kayong nakuha na kahon sa rooftop?" tanong ko kay kuya Janitor
"Nako sir, Wala po talaga. Baka may ibang mga estudyante na naka kuha non"
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...