DEX'S POV
Kinuha ko yung gamit ko dahil nawalan na akong gana pumasok pa sa mga susunod na subjects, Medyo na stress kasi ako sa pagkasira ng Cellphone.
Mangiyak ngiyak ako habang pinagmamasdan yung nasira kong Cellphone, Wala na talaga sya huhu Pano pa ako makakabili ng bago eh wala naman akong perang pambili. Mahalaga pa naman sakin to kasi bigay to ni papa at alam kong pinaghirapan nya tong mabili tapos ganito lang ang mangyayari.
Kasalanan to lahat ni Nathan kung hindi nya inigaw yung Cellphone hindi na sana to nangyari."Hindi yan maaayos kahit umiyak kapa dyan" -Nathan
Tssk ano na naman ginagawa ng lalaki nato dito, Talagang sinusundan nya ako eh para ano? para pagtawanan?
Oo na panalo na sya at talo na ako."Anong ginagawa mo dito? Pampam ka? wala kang ganap sa buhay mo?"
"Tssk, Sinundan kita kasi baka mag suicide ka" -Nathan
Ha! ha! nakakatawa grabe! ang sarap nyang pektusan sa sikmura!
"Pwede ba umalis ka nalang dika nakakatuwa"
"Tssk parang Cellphone lang umiiyak ka ng ganyan? parang hindi ka lalaki" -Nathan
Aba nang asar pa! OO hindi ako lalaki! I mean lalaki ako pero babae ang puso ko na kulong sa katawan ng isang lalaki.
At yung nakakainis pa kasi parang wala syang paki kahit sya ang dahilan kung bakit nasira yung cellphone ko! Ang sama talaga ng ugali nya."Wag mong pinaparang lang ang Cellphone ko, Dahil hindi mo alam kung gaano nag hirap yung papa ko maibili lang ako ng Cellphone! at hindi mo alam kung gaano kahalaga sakin to! Dahil kaming mahihirap magkamit lang kami ng maganda talagang pinapahalagan at iniingatan namin hindi katulad nyo balewala lang kahit gaano pa kadami ang masirang gamit sa inyo dahil marami kayong pera!"
Napansin ko nalang na tumula na pala yung luha sa mata ko, Mas matindi to sa inis na naramdaman ko kay Nathan dati.
Nainsulto na kasi ako at syempre mahalaga sakin ang mga bagay na galing sa magulang ko tapos kung makapagsalita sya parang wala lang.
Tinalalikuran ko sya at habang paalis na ako ay bigla nya akong hinawakan sa kamay at hinila."Tssk"
"Hoy ano ba bitawan mo nga ako!!! uuwe na ako"
Hinampas hampas ko yung kamay nya pero hindi nya padin ako binitawan, Hinila nya ako palabas ng School at pumara sya ng Taxi at sapilitan akong pinapasok.
OMG! ano naman kaya ang binabalak nya? Baka i savage nya ako! Huhu wag naman sana marami pa akong pangarap sa buhay! Gusto kopang mahanap si the One!
"Nathan bababa na ako"
"Pwede ba manahimik ka" iritang sabi nya sakin.
Aba! sya pa ang may ganang magalit ngayon?! ako nga dapat ang magalit dahil hinila na naman nya ako basta basta at sinira nya yung CELLPHONE ko! Hindi ko sya mapapatawad akala nya!
Habang nasa byahe kami ay hindi kami nagpapansin ako, Ako naman dinadamdam padin ang pagkasira ng Cellphone ko.
Huminto kami sa tapat ng isang mall, Anong gagawin namin dito? Dito nya ba ako isasavage? Sa mataong lugar talaga ha? Ito talagang si Nathan kahit kailan kung ano ano iniisip.
"Baba"
Wala na akong nagawa kundi ang bumaba dahil wala eh bossy na naman sya.
Takbuhan ko kaya to? Haha, Pagbaba namin ng taxi ay hinila nya ako papasok ng mall, Bastos talaga tong lalaki nato eh.
"Nathan bitawan mo na ako pwede?"
"Ayoko nga baka tumakas kapa eh"
Hala! Totoo nga!!!! Mama baka isavage nya ako huhuhu baka may naghihintay samin na mga kasabwat nya.
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...