CHAPTER 40

3.5K 131 1
                                    


DEX'S POV

Sabi nila bagong taon, BAGONG BUHAY. Kaya ang New year's Resolution ko ay This Time hindi na ako magiging Marupok, Tama na siguro yung ilang taon kong pagiging tanga at mahina siguro panahon nadin para maging bagong ako Hindi naman sa sinasabi ko na magbabago ako para ipamukha sa kanila na ako pala yung sinayang nila. Gagawin ko to dahil ito ang gusto ko at ito ang Tama.

Ilang araw pagkatapos nang New year ay bumalik na kami ni Nathan sa kanila, Hindi muna kami pumasok dahil sigurado naman na wala pa kaming gagawin. Hindi naman sa tama ako pero parang ganon nan nga haha.

Isang umaga habang tumutulong ako kala manang na maglinis ay naisip ko na linisan yung kwarto ni Nathan dahil baka nakatira na don si Spiderman.
Ayaw kasi ng mga katulong na bastbasta nalang pumasok dahil baka mabugahan sila ng apoy, Ako naman tuloy tuloy lang subukan nya ako bugahan nang apoy diko sya uurungan haha.

Hindi naka lock yung pinto ni Nathan kaya dirediretso akong pumasok kahit kailan talaga napaka burara nitong lalaki nato, Yung kama nya ang gulo akala mo may nag-away na aso't pusa tapos yung mga damit nya nandon pa ang ang nakakadiri pa pati yung underwear nya nandon tssk kurot talaga sya sakin kapag nakita ko sya.
Habang nagwawalis walis ako ay may napinsan akong isang picture frame malapit lang din sa higaan nya kaya lumapit ako at kinuha.

Si Nathan yung nasa picture at may kasama syang babae. Sino naman kaya itong babae? Ate nya? Nagulat nalang ako nang biglang may humablot ng picture.

"Anong ginagawa mo dito?" -Nathan

Pagharap ko kay Nathan ay napatakip na naman ako ng mata pero may butas konti haha pano kasi naka tapis lang sya, Nakakainis bakit ba kapag pumapasok ako dito sa kwarto nya ay lagi syang naka ganyan? sinasadya nya ba yon?

"Ah eh Naglilinis kasi ako"

"Sino nagsabi sayo na maglinis ka dito?" -Nathan

"Ako lang, Bakit?"

"Next time magpapaalam ka muna sakin, Hindi yung basta basta ka nalang pumapasok sa kwarto nang iba tapos mangingi alam kapa ng gamit" -Nathan

"Sungit mo naman! Bagong taon tapos ganyan ka? Bakit sino ba yang nasa Picture?"

"That's none of your business" -Nathan

Gusto ko pa sana magtanong sa kanya pero tinulak na nya ako palabas. Kita nyo na? May topak talaga yung lalaking yon noong nakaraang araw lang ang bait bait sakin tapos ngayon sinusungitan ako?.
Sino ba kasi yung kasama nya sa picture? Bakit parang ayaw nya pag-usapan? Hayss bahala na nga sya maglilinis nalang ako para may magawa pa ako.

Dahil sa natapos na ako maglinis ay naupo muna ako para makapagpahinga tatlo lang naman kasi sila pero ang laki ng bahay tapos puro pa busy sa kani kanilang mga businesses, Mabuti nalang may Wifi sila dito kaya hindi masyado boring haha.
Habang nanonood ako ng paborito kong video ay may narinig ako sa taas na parang sumisigaw, Napatayo agad ako at pinuntahan yung pinanggalingan ng boses.
Pagdating ko don si Nathan nagagalit at pinapagalita nya yung isa sa mga kasambahay nila na si ate Erna. Lumapit agad ako kay Ate Erna dahil nakita kong umiiyak na sya.

"Sir sorry po hindi ko naman po sinasadya" -Ate Erna

"Ilang beses kobang sasabihin sa inyo na wag kayong papasok sa kwarto ko na walang paalam" -Nathan

"Sir sorry po, Ibawas nyo nalang po sa sweldo ko yung nasira ko" -Ate Erna

"Nathan kung makipag usap ka naman parang kaedad molang yung kinakausap mo"

Hindi ko na napigilan ang hindi makialam, Alam kong masungit at topakin tong si Nathan pero hindi ko akalain na kaya nyang manigaw nang mas matanda sa kanya.

KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon