CHAPTER 35 "NATHAN"

4.1K 138 5
                                    


DEX'S POV

"DEX! GISING NA ANONG ORAS NA!!"

Halos matanggal ang kaluluwa ko dahil sa sigaw at alog ni mama sakin, Kaya kahit antok pa napalitan akong bumangon.

"Ma 5 minutes pa po"

Kinuha ko yung cellphone ko para tingnan yung oras, 7 palang naman ng umaga pero grabe makagising sakin si mama.

"Ayan kana naman sa 5 Minutes, Sandali bakit parang nag-iba ata yung cellphone mo?"

Hindi pa pala nasasabi kay mama na nasira yung binili ni papa na cellphone sakin, Pano koba sasabihin kay mama yon?

"Ma nasira po kasi yung binili ni papa"

"Ano? ikaw talaga Dex pinaghairapan yon ng papa mo, Ingat ingat din kasi pag may Time"

"Ma sorry na, Hindi ko naman kasi sinasadya (Si Nathan kasi Yon)"

"Eh pano ka naman nakabili ng bagong Cellphone? Mukhang mamahalin payan"

"Si Nathan po, Binili nya sakin"

"Wow naman anak, Sabihin mo nga sa pinsan mo nasira din yung akin kaya bilhan nya ako"

"Ma!"

Si mama talaga kahit kailan, Galit galitan pa sya sakin kasi nasira yung Cellphone ko tapos ito din sya magpapabili haha.

"Joke lang, oh sya bumangon ka na dyan dahil nandyan si Nathan sa labas"

Wait! Tama ba yung narinig ko si Nathan nandito sa bahay???? What The? anong ginagawa nya dito?

"Si Nathan ma nandito?"

"Oo, Nandon sya sa Sala nanonood"

Pagkatapos non ay lumabas na si mama, Ako naman ay bumangon na para mag-ayos.

Jusme sa di malamang dahilan biglang bumilis ang tibok ng puso ko, Wala akong Choice kundi pakalmahin ang sarili ko. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto para pumuntang Cr, Yung Cr kasi naman bago ka makapunta ay dadaan muna sa Sala kaya makikita at madadaanan ko din si Nathan.

Akala mo magnanakaw ako sa sarili kong bahay dahil dahan dahan akong naglalakad para hindi ako mapansin ni Nathan , Unang hakbang ko ay Success kasi hindi nya ako napansin hanggang nag pangalawa at pangatlo, Pang-apat pero nang panglima.

"Akala mo ba hindi kita mapapansin?"

Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa direksyon ni Nathan pero hindi sya nakatingin sakin dahil naka focus sya sa Tv Pero Grabe yung kaba ko parang maaano ako na ewan, Kung nakafocus sya eh pano nya ako nakita? OMG! Baka!!!! Baka may iba pa syang mata sa ulo!!!

"Ay Nathan nandyan ka pala?"

Tumayo sya at lumapit sakin, Dugdug! Dugdug!!! dug!! Grabe yung tibok ng puso ko parang gusto nang lumabas sa katawan ko. Ano batong nararamdaman ko? Bakit parang kinakabahan na ewan?

"Kanina pa ako nandito, Kaso tulog mantika ka"

"Ganon ba? Sige punta muna ako sa CR ha?"

Tumakbo agad papuntang Cr, Pagpasok ko humarap agad ako sa salamin at naghilamos ng mukha tapos huminga ng malalim.

"Dex relax, Si Nathan lang yon"

Hindi ko padin kasi makalimutan yung naganap na pag-amin nya sa sakin na Gusto nya daw ako hindi ko alam kung totoo yon o niloloko nya lang ako para asarin hayss bahala na!

Tinagalan ko talaga sa CR para paglabas ko wala na sya ang kaso nakalimutan kong maliit lang pala ang bahay namin kaya kahit anong gawin ko imposibleng hindi kami magkita ni Nathan, Pero sandali? Bakit nga ba ako ang dapat mahiya at umiwas sa sarili kong bahay? Diba dapat si Nathan? 
Pagdaan ko ay kumakain na si Nathan kasabay si Mama.

KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon