Nathan's PovKanina pa ako tingin ng tingin sa phone ko at nag-aantay ng message kay Dex, Ilang oras nalang aalis na ako pero hindi man lang sya nagmemessage sakin.
Tinatawagan ko sya pero hindi naman nya sinasagot, Tsk may problema kaya sya??"Nathan, Is there anything problem?" -mom
"Si Dex po kasi, Hindi pa tumatawag"
"Baka nalulungkot lang yon kasi aalis kana" -Mom
Siguro nga tama si Mommy, Sana nasa tabi ako ni Dex ngayon para sabihin sa kanya na wag na syang malungkot dahil para samin din naman tong gagawin ko at hindi ako mawawala ng matagal.
Masakit din naman sakin tong gagawin ko pero kailangan, Sa totoo lang hindi ko din talaga alam ang gagawin ko kapag nasa sa US na ako pero kailangan ko subukan baka sakali na magawan ko ng paraan ang pagiging magpinsan namin baka kasi maayos ko pa ang mga papers tungkol sa pag adopt sakin ni Tita baka sakali na mapawalan ko ng bisa.
Sana maging madali lang sakin ang gagawin ko at mahintay ako ni Dex sa pagbabalik ko.
"Nathan Mahal mo talaga si Dex noh?" -Mom
"Opo ma, Hindi lang Mahal. Mahal na mahal. Oo magpinsan kami pero hindi naman kami magkadugo diba? Pero kaya nga po kakausapin si Daddy para matapos na kung ano man ang humahadlang samin ni Dex"
"Kung saan ka masaya susuportahan kita" -Mom
"Thank you mom"
"Always welcome my dear" -Mom
"Mom may ibibilin lang po sana ako sa inyo"
"Ano yon?" -mom
"Si Dex po sana po pakibantayan nalang sya habang wala ako, Hindi ko po kasi alam kung kelan ako makakabalik."
"Bakit hindi mo nalang kasi sinabi sa kanya na baka matagalan ka don" -Mom
"Ayaw ko po kasi sya malungkot, Kapag nalulungkot sya nalulungkot din ako"
"Nag matured kana talaga Nathan, Before you're Just a little boy but Now? You are a Man" -Mom
Nagbago lang talaga ako nung dumating si Dex sa buhay ko kung dati wala akong pakialam sa nararamdaman ng iba ngayon meron na, Kung dati akala ko wala ng patutunguhan ang buhay ko dahil iniwan ako ng isang taong akala ko makakatuluyan ko ngayon nagkaroon na ng direksyon.
Kaya Mahal na mahal ko si Dex kahit ano pa sya at kahit ano pa ang kasarian nya.
DEX'S POV
"Anak ngayon na ang alis ni Nathan hindi mo ba sya ihahatid?" -Mama
"Hindi napo siguro ma baka lalo lang po kasi ako mahirapan kapag nakita ko syang umalis"
"Pero baka hinihintay ka nya" -Mama
"Itetext ko nalang po sya na hindi ko na sya maihahatid"
"Sige ikaw bahala, Pero kung magbago ang isip mo puntahan mo nalang sya mamaya pa naman ang flight nya" -Mama
Nagtaklob nalang ako ng kumot at ang sakit na nang ulo ko kakaisip pati yung puso ko sumasakit na din, Ganito pala kapag aalis ang taong mahalaga sayo parang hindi mo kaya.
Ilang oras ako nag-isip bago ko napagdesisyonan na sumama sa paghatid kay Nathan.
Bumangon agad ako at nagbihis na, Kailangan kona magmadali baka makaalis na sya.
"Ma pupuntahan ko lang po si Nathan"
"Talaga? GO Dex! Sigurado ako aabutan mo pa ang My loves mo!" -Mama
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanficHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...