CHAPTER 7

3.9K 145 1
                                    

DEX'S POV

"Girl bakit tulala kana naman dyan?"

Habang papasok kasi kami ni Miles ay nakita kong magkasama si Mark at Sheena, Kahit mali ay nakaramdam ako ng inggit at selos sumagi sa isip ko na sana ako nalang yung kasama ni mark hindi si Sheena. At simula ng dumating si Sheena nabawasan na yung oras na magkasama kami ni Mark, Alam kong wala akong karapatan dahil Bestfriend lang ako pero ito kasi yung sinasabi ng puso ko.

"Tara na Miles baka dumating na yung Prof natin"

Hinila kona si Miles dahil ang sakit sakit na makita sila na magkasama at nagtatawanan na dati ako ang gumagawa non kay Mark.

Pasalampak ako na umupo ss upuan at tiningnan kung saan nakapwesto si Ryan at nagtataka ako kasi wala na naman sya.

"Bakit kaya absent na naman si Ryan?"

"Hindi ko din alam eh, Wala din naman akong number non" -Miles

"Chat ka natin, Baka kasi may sakit yon"
"Mamaya be" -Miles

Tutal wala pa naman yung prof namin kinuha ko muna yung papel kung saan ko sinulat ang tulang ginagawa ko.

"Hanggang kailan ba yan matatapos?" -miles

"Patapos na nga, Dalawang line nalang"

"TITIISIN KO KAHIT MASAKIT
DAHIL NAG MAHAL AKO"

Ayan yung huling parte na naisulat ko sa tulang ginagawa ko, Finally natapos din sya.

"Ano yang ginagawa mo?"

Muntik konang maitapon yung papel na pinagsulatan ko ng tula dahil sa gulat kay Mark, Nagkatinginan kaming dalawa ni Miles Bigla bigla nalang syang nagsalita.

"Ah eh papel?"

"Patingin nga" -mark

Biglang hinalbot sakin ni Mark yung kaya nataranta ako kasi baka mabasa nya yung tulang ginawa ko para sa kanya. Bago pa niya mabasa yung nakasulat ay Naagawa kona sa kanya yung papel.

"Grabe naman to patingin lang eh" -mark

"Bawal nga, Hindi to pwede mabasa ng iba"

"Bakit iba ba ako sayo? ako kaya yung BestFriend mo kaya ipakita muna sakin yan" -mark

Hindi to pwedeng makita ni Mark dahil pagnabasa nya ang nakasulat sa papel Malalaman nya ang lahat lahat ng nararamdaman ko para sa kanya.

"Tula lang tong ginawa ko, Hindi kopa kasi tapos isulat kaya hindi pwede mabasa ng iba, ako lang ang pwede"

"Tula lang pala dapat sinabi mo agad sakin, Good luck sa pagsusulat sana matapos mo" -Mark

Kung alam mo lang Mark, Matagal konang inumpisahan ang tulang ito at ngayon tapos kona hindi ko nga lang alam kung paano ko ipaparinig sayo ang tulang ito.

Dahil sa dumating na yung Prof namin ay bumalik nadin si Mark, Hayss nakahinga ako ng maluwag muntik na ako don.

"Huhu be muntik na tayo don" -Miles
"Oo nga eh"

Tinago kona sa notebook ko yung papel baka kasi makita pa ni Mark mahirap na.

"Okay Class dahil ngayong buwan ay ipinagdiriwang natin ang buwan ng wika, Ang ating eskwelahan ay may ilang patimpalak na ginawa para sa mga inyong mga estudyante"

Grabe tagalog na tagalog talaga magsalita si sir haha sabagay buwan ng wika ngayon kaya kailangan gamitin natin ang wikang atin.

"Meron ba sa inyo ang gustong sumali?" -prof

KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon