DEX'S POV"Okay class, Mag kakaroon ang school natin ng Grand Ball at required lahat na sumama" -Prof
Required talaga??? Sa lahat nga ayan ang pinaka ayaw ko kasi alam ko naman na hindi ako mageenjoy Maiinggit lang ako sa mga magjowang magsasayawan, Sino ba ang sasayaw sakin? Wala naman. Yung iba excited pero ako ayaw ko talaga. Atsaka gastos lang yon wala akong pera saan naman ako kukuha ng pambili o pang rent sa damit na susuotin ko.
Nagbulungan agad yung iba kong mga classmates sa kung anong susuotin at magiging ayos nila.
Ako naman tamang basa basa lang ng mga lectures sa notebook #Feelingmatalino bahala sila sa buhay nila basta ako hindi sasama magdadahilan nalang siguro ako sa prof. ko.
Pero sa kabilang banda ay masaya padin naman ako ngayon dahil P.E namin ngayon ang isa sa mga paborito kong subject haha kahit hate na hate ko ang pagsasayaw at feeling singer ako.
Pinagbihis na kami ng prof namin dahil baka maubos daw yung oras nya.
Pinapila nya kaming lahat tapos pinapunta na sa court."Dex pupunta ka ng Ball?" Tanong sakin ng isa kong classmate
"Hindi ko nga alam eh"
"Nako pumunta ko sigurado ako magiging masaya yon"
Kinilig naman sya ng bahagya pagkasabi non.
"Bakit naman magiging masaya?"
"Kasi kasama din natin yung mga college! Ang dami pa namang gwapo don"
Hala sya, Kilig na kilig. So ibig sabihin makakasama din namin sila Nathan.
Dumiretso na kami sa Court at tinuruan lang kami ng Prof namin ng basic sa pagsayaw ng falk dance, Hiyang hiya ako sa sarili ko dahil parehong kaliwa ang paa.Nang matapos kami sa Pagsasayaw na ewan haha ay bumalik na kami sa room para makapag palit, Pero pagdating ko sa room ay nawawala ang bag ko kung saan nakalagay ang uniform ko.
Hinanap ko sa buong paligid ng room pero wala akong nakita, Naiiyak nako kasi baka may nagtitrip sakin. Tinulungan din ako ng iba kong Classmates pero wala kaming nakita.
Lumabas muna ako para hanapin baka kasi niloloko ako ng mga classmates ko tapos nilagay sa labas, May nakita akong Janitor na naglilinis sa labas kaya nilapitan ko sya.
"Kuya pwede pong magtanong?"
"Ano po yon?" -janitor
"Kanina po kasi nag P.E kami at naiwan yung nga gamit namin sa loob ng room, Naglinis po ba kayo sa loob?"
"Hindi po, Bakit po?" -Janitor
"Nawawala po kasi yung mga gamit ko"
"Kanina may nakita akong mga estudyante dyan na pumasok tapos mga nagmamadaling lumabas Halos kaalis lang din, Akala ko dyan sila nagroroom kaya hindi kona sinaway" -Janitor
Kinabahan ako bigla huhu baka may kinalaman sila sa pagkawala ng mga gamit ko.
"Kuya wala po kayong napansin na dala nila?"
Nag-isip pa muna si kuya bago sinagot yung dala ko.
"Ahm may dala dala silang bag, kulay red" -Janitor
Kinabahan ako lalo ng sabihin nya yung kulay ng bag, Kasi kulay bag din ang bag ko. Huhu baka ayon nayon, Pero sino naman ang kukuha non?
"Manong saan po sila pumunta?"
"Hindi ko alam pero bumaba na sila, Baka maabutan mopa yon" -Janitor
"Sige po manong salamat po"
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...