FINAL CHAPTER

4.5K 125 8
                                    


DEX'S POV

Nagising nalang ako dahil may naramdaman akong mabigat na naka patong sa katawan ko pagmulat ko si Dan nakayakap na sakin pero gising sya at nakatitig lang sakin.

"D-Dan? May problema ba?"

"Wala, Pinagmamasdan lang kita kahit kasi natutulog ka bakas padin sayo ang lungkot" -Dan

Buong magdamag kasi Si Nathan ang nasa isip ko, Kahit anong gawin ko hindi ko sya mabura sa isip ko.

Pilit kong iniisip kung ayos lang basya at kung babalikan pa nya ako.

"Sorry iniisip kolang kasi si Nathan"

"Ayos lang, Syempre Boyfriend mo yon natural lang iisipin mo yon" -Dan

Umayos ng higa si Dan at humarap sa kisame.

Naalala nya kaya yung ginawa nyang paghalik sakin at yung mga sinabi nya.

Napansin kong nakahawak sya ulo nya na parang masakit ito, Dala nadin siguro dahil napari ng inom kagabi.

"Dan? Gusto mo ba ikuha kita ng Malamig na tubig?"

"Sige Dex, Medyo masakit pa kasi ang ulo ko" -Dan

Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig ang taray nila kahit medyo luma na yung bahay nila ay may ref sila tinalo pa kami haha.

"OH Dex para kay Dan bayan?" -Mark

"Oo may hang over pa ata, Dami nyo kasing nainom"

"Oo nga eh, Si Miles kasi grabe mag tagay" -Mark

Kumuha din si Mark ng tubig at uminom.
Parang kailan lang Mahal na Mahal ko sya, Umamin ako sa kanya at ngayon magkaibigan padin kami.

"Bakit ka nakatingin sakin? May dumi ba ako sa mukha?" -Mark

"Ako nakatingin? Sige ihatid kona to kay Dan baka hinihintay na nya ako"

"Sige pakisabi sa kanya may round 2 pa haha" -Mark

Ngumiti nalang ako at bumalik na sa kwarto namin ni Dan, Nakahiga na sya at nakahawak sa ulo nya.

"Dan ito na yung malamig na tubig"

Bumangon naman sya at inabot ko sa kanya yung tubig.

Grabe kasi tong mga to ang babata pa pero grabe kung makalaklak.

"Ang sakit ng ulo ko, Parang umiikot ang paligid" -Dan

"Kasi iinom inom ng marami"

"Masaya lang ako kasi nakasama kita at masaya din kasama ang mga kaibigan mo" -Dan

Natahimik ako bigla sa sinabi nya at parang ako naman ang sumakit ang ulo.

"Oo nga pala Dan pano ka pala napasama samin?"

"Yun ba? Yung kaibigan mong si Miles pinilit ako na sumama, Sinabi nya sakin na kasama ka daw kaya hindi na din ako nagdalawang isip na sumama" - Dan

Now i know, Pakana na naman to lahat ni Miles. Sigurado ako na may iba pa syang sinabi dito kay Dan kaya lang nakakahiya naman magtanong.

"Sige na Dan humiga kana muna dyan, Tutulong lang ako sa labas"

"Sige Dex" - Dan

Lumabas na ako para tumulong sa ibang gawain sa bahay nakakahiya naman kasi kung wala kaming gagawin ang kaso mga bagsak pa yung mga naginuman, Kaya lumabas nalang ako ng bahay at nakita ko na naka upo yung dalawang mag-asawang matanda at yung babae nakasandal sya sa balikat ng asawa nya.

KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon