DEX'S POVHabang tumatagal lalo ako naguguluhan sa nararamdaman ko, Hindi naman sa nagmamaganda ako pero kasi aaminin ko sa sarili ko na hanggang ngayon ay mahal ko pa din ang BestFriend ko. Pero kasi iba yung nararamdaman ko kapag kasama ko si Nathan.
"Dex?"
"Ay kalabaw! Dan naman, Alam mong magugulatin ako"
"Haha sorry na, Ang lalim kasi nang iniisip mo. Sino na naman ba yan?" -Dan
Umupo kaming dalawa ni Dan sa may Bench, Tutal maaga pa naman at wala akong klase.
"Dan posible bang magka gusto ang isang lalaki sa isang baklang katulad ko?"
Tumingin ako sa kanya at nagong seryoso din sya. Gusto lang malaman kong posible talaga yon, Gusto ko malaman sa bibig mismo ng isang lalaki na posible nga yon. Sa panahon kasi natin ngayon napakahirap paniwalaan na ang isang lalaki pwedeng mainlove sa isang gaya ko lalo na't walang involve na pera.
"Alam mo Dex, Malayo na ang inunlad ng pag-iisip ng mga tao sa ating lipunan. Bukas na sa kanila ang mga bagay na Ganyan. Kaya kung ako ang tatanungin mo? Posible yon, Lalo na kung yung baklang yon ay talaga namang deserving para mahalin ng isang lalaki" -Dan
Hindi ako nakasagot sa sinabi nya, So posible nga? Nakatingin lang si Dan sakin at lalo sya naging seryoso.
"Bakit Dex, May nagkagusto na ba sayo na isang lalaki?" -Dan
Ano bang klaseng tanong yan huhu, Huminga ako ng malalim at sinagot ko sya.
"Wala, Tinatanong ko lang kasi alam mo na Bakla ako nangangarap din naman ako na mahalin ako"
Hindi ko pwedeng sabihin na si Nathan, Wala dapat makaalam dahil panigurado malaking eskandalo to.
"Meron yan maghintay kalang, Malay mo nandyan lang sa tabi tabi hindi mo lang napapansin" -Dan
Luminga linga ako pero wala naman akong nakitang tao, Ano kayang sinasabi nyang nasa tabi tabi lang? Hays ang labo naman kausap ni Dan.
"Dan wala naman eh"
"Wala talaga yon, Dahil hindi mata ang ginagamit don kundi puso" -Dan
Lumapit sakin si Dan sabay kurot ng malakas sa dalawa kong pisngi. Ang labo talaga nya pano makikita ng puso yon eh wala naman yong mata.
Hinabol ko si Dan pero mas mabilis sya sakin, Tumigil nalang ako sa pagtakbo dahil hinihingal na ako haha hindi kasi ako sanay sa takbuhan.
"Pagod kana agad?" -Dan
"Ang daya mo! Mamaya kalang sakin kapag nakapahinga ako"
Habang naglalakad kami paakyat ay nakasalubong ko sila Irish kasama na naman yung dalawa nyang kaibigan.
"Dan mauna kana, Kakausapin kolang sila"
"Sige Dex kita nalang tayo mamaya" -Dan
Nauna nang umalis sila Dan at hinarap kona sila Irish.
"Uii Girl ipakilala mo naman ako don kay Pogi" -Venus
Si Dan siguro yung tinutukoy nya.
"Sige ipapakilala kita next time"
"Talaga?! Nako salamat ha?!" -Venus
"Dex anong nangyari kagabi? pinaglitan kaba?" -Irish
"Hindi naman"
"Buti naman, Sorry talaga ha? Hindi ko kasi namalayan ang oras yan tuloy ginabi ka" -Irish
"Ayos lang yon, Hindi din naman ako pinagalitan"
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
Fiksi PenggemarHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...