DEX'S POVAlam nyo kung kanta lang ang chismis nilang lahat sakin na LSS nako, Hindi padin kasi sila tapos sa pagsabing Malandi ako, Kadiri atbp.
Gusto ko mang umiyak pero hindi ko magawa, Ano ba ang dapat kong gawin para magising sa bangungot nato?
Pagkatapos nang klase namin ay nagmadali agad akong lumabas at tumakbo na parang walang ibang nakikita kundi ang daanan lang.Habang naglalakad ako ay naisipan kong tawagan si Miles dahil alam kong matutulungan nya ako.
'Miles?'
'Hello be, Kamusta kana?'
'Eto okay lang naman'
Umupo muna ako sa isang tabi para mas makausap ko ng maayos si Miles
'Umiiyak kaba?' -Miles
Napansin na siguro ni Miles na umiiyak ako base sa boses ko.
'Miles alam na nila'
'Ha? Anong alam nila?' -Miles
'Yung tungkol samin ni Nathan'
'OMG! BE seryoso ka?' -Miles'Oo be'
'Hala? Pano nila nalaman? sino sino ang nakaalam?' -Miles
'Alam na lahat dito sa school namin'
'What????, Ano kamusta kana dyan?' -Miles'Eto hindi okay'
'Be sorry wala ako dyan, Nako kung nandyan lang ako kakalbuhin ko isa-isa yung mga nang-aaway sayo' -Miles
Napangiti naman ako sa sinabi ni Miles, Sana katulad ako ni Miles na matapang kaya lang sa sitwasyon nato hindi ko kayang maging matapang.
'Haha wag kanang pumunta dito, Sapat na makausap kita'
'Alam ba ni Mark ang tungkol dito?' -Miles
'Nako be wag mo nang sabihin hayaan mo na sya nanana Himik na sya ayaw ko na sya madamay sa gulo ko'
'Pero Bestfriend mo parin si Mark, Baka matulungan ka nya' -Miles
'Miles please wag mo nalang sabihin'
'Sige be, Ikaw bahala' -Miles
"Sino yang kausap mo?" -Nathan
Kainis tong si Nathan bigla bigla nalang sumusulpot.
"Si Miles bakit?"
"Wala lang, akala ko kasi si ano eh" -Nathan
"Sino?"
"Wala, Pero gusto ko sa susunod sasabihin mo sakin kung saan ka pupunta at kung anong oras matatapos ang klase mo at kailangan wala kanang tatawagan na ibang lalaki" -Nathan
"Grabe sya, Ano Boyfriend lang kita?"
"Bakit don din naman yon papunta diba?" -Nathan
"Wow agad agad, Hindi ka pa nga nanliligaw sakin"
"Edi liligawan na kita, Ano ngayon naba?" -Nathan
"Bahala ka sa buhay mo Nathan kung ano ano nalang desisyon mo, Hindi mo pinagiisipan nang maigi"
"Wala naman na akong dapat pang pag-isipan kasi sigurado na ako sa nararamdaman ko sayo" -Nathan
Kahit sino naman mafafall kung ganito magsalita at kaseryoso ang isang lalaki, Pero kaya lang mas nangigibabaw padin sakin ang pagiging magpinsan namin.
"Nathan siguro magpalamig muna tayo, Hot topic pa kasi tayo"
"Basta ako na bahala, Pero umuwe na tayo para naman makapag pahinga ka nadin" -Nathan
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...