DEX'S POV
Kahit wala akong gana pumasok ngayong araw ay bumangon padin ako.
Humarap ako sa salamin at tinitigan ang sarili ko, Ang laking ng eyebag ko at halatang stress ako.Ganito ba talaga ang gusto ko? ang kawawain ang sarili ko? Tama ba talaga ang naging choice ko na mahalin si Mark kahit ang kapalit ay masasaktan ako?
Andaming katanungan sa isip ko pero lahat yon hindi ko alam ang kasagutan, Alam kong sobra na akong nagpapakatanga siguro nga dapat may gawin na ako.Kinausap ko si mama at sinabi sa kanya ang gusto kong mangyari tungkol sa pag-aaral ko.
Habang papunta ako sa school ay malalim ang iniisip ko, Sana lang talaga tama ang desisyon na gagawin ko. Makakabuti nadin siguro to para sakin para maka move on nadin ako.
Pagpasok ko sa room namin ay nandon na si Mark at nginitian nya ako pero hindi ko sya pinansin dumiretso agad ako sa upuan ko.
"Dex ayos kana ba talaga?" -Miles
"Oo be salamat pala sa mga sinabi mo nung nakaraang gabi ha?"
"Wala yon, kung kinakailangan kitang sabihan araw araw gagawin ko maliwanagan kalang na talagang sinasaktan mona ang sarili mo" -miles
Maya maya ay lumapit sakin si Mark kaya tumigil muna si Miles sa pagsasalita, Kainis naman balak kopa naman sana na umiwas muna kahit ngayong araw lang.
"Dex bakit hindi ka pumasok kahapon?" -mark
Tumabi sya sakin pero Hindi ko sya pinansin nagFocus nalang ako sa kunwaring ginagawa ko.
"Hoy bakit dika nagsasalita napipi kana ba?"
"Sayang hindi mo nakita yung Pag oo sakin ni Sheena, At sobrang saya nya"
Pinaalala na naman nya sakin, Gusto ko na nga muna wag isipin ang tungkol sa kanila para makapag focus ako.
"Dex salamat pala sayo ha, nako kung hindi dahil sayo hindi ko alam kung maging success ang ginawa ko kahapon" -mark
"Mark pwebe ba? ayoko munang makipag usap ngayon! pwede?! at hindi ako interesado sa mga sasabihin mo!"
Hindi ko na pigilan na hindi magtaas ng boses, Napatingin tuloy yung mga kaklase namin pati si Miles nagulat sa ginawa ko. Tumayo si Mark at parang nalungkot.
"Sorry, akala ko kasi gusto mong marinig ang mga ikukwento ko" -Mark
"Minsan magtanong kadin kasi"
Kinuha ko yung gamit ko at lumabas, Yung mga kaklase magbubulungan lang abot hanggang kabilang bansa.
Na guilty ako sa ginawa at nasabi ko kay Mark, Sa buong buhay ko ngayon kulang sya nasigawan ng ganon.
Pumunta ako sa guidance office dahil may kailangan akong gawin."Good afternoon po sir?"
"Yes come in, What can i do for you"
OMG! English huhu hindi pa naman ako magaling mag English baka dumugo ilong ko hehe.
"Sir? Ano po kasi, Balak ko na po kasi lumipat ng school after matapos ang sem nato"
"Bakit naman? ayaw mo na ba sa school natin?" -Sir
"Sir hindi naman po sa ganon, May problema lang po kasi kaya kailangan ko lumipat"
"I understand, Pero uunahan na kita dapat sa school na lilipatan mo ay same lang ng curriculum natin dito kasi baka hindi ma credits ang mga subjects na tinake mo. Sayang naman" -sir
Naisip ko nadin ang tungkol dyan, Pero nakapag search na ako ng school na pwede kong lipatan ilang kilometro lang ang lapit.
...............................FLASHBACK.....................................
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...