DEX'S POVAno na kayang nangyari kay Nathan? Bakit kaya hanggang ngayon wala padin syang reply.
Pagkatapos kong maglinis ng bahay at tumulong kay mama sa iba pang gawaing bahay ay nagpaalam ako sa kanya na pumunta sa bahay nila tita Emman.
"Manang nandyan po ba si Tita?"
"Nako Dex wala ngayon dito si Mam may business trip sya kaya matatagalan syang bumalik" -Manang
"Ganon po ba, Sige manang una na ako"
"Hindi kaba papasok?" -Manang
"Hindi na po, May gagawin padin po kasi ako"
Kung mamalasin ka nga naman pati si Tita wala din, Bakit ba kasi ayaw akong contactkin.
"Dex!"
Tawag sakin ni Kuya Alex kaya napahinto ako sa kanga.
"Bakit po kuya?"
"Bago umalis si Sir Nathan may iniwan sya sakin ang sabi nya ibigay ko daw sayo, Pasensya na ngayon kolang nabigay sayo nawala kasi sa isip ko" -kuya
"Ayos lang po kuya"
Inabot sakin ni Kuya yung isang papel, Kinuha kona agad yon at binasa habang naglalakad .
'Hi My loves Mahal na Mahal kita, Hindi ko alam kung anong pinakain mo sakin at Mahal na Mahal kita. Ngayong graduate kana sana wag kanang maging iyakin at gusto ko habang wala ako wag kang titingin sa ibang lalaki dahil akin kalang. Antayin mo ako, Pangako babalik ako'
Ayon lang ang nakasulat sa papel at wala ng iba. Hindi din naman nakalagay kung kelan sya babalik o kung bakit matagagalan sya sa pagbalik.
Ilang araw na syang ganito sakin, Sabi nya babalik sya agad pero bakit hanggang ngayon hindi padin sya bumabalik?
Sobra na yung pag-alala ko kasi hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya, Kung ba sya o baka naman nakahanap na sya ng bago.Pero may ilan pa akong kilala na baka alam nila kung ano ang nangyayari kay Nathan. Ang mga kaibigan nya.
Dali dali akong pumunta sa bahay nila Steve pero maging sya hindi nya din alam, Simula daw ng umalis si Nathan wala nadin syang balita.
Sumunod naman ang pumunta sa bahay nila Anthony at Matthew pero pati sila wala ding balita.
Huli kong pinuntahan ang bahay ni Dave."Dex napadalaw ka? May problema ba?" -Dave
"Gusto ko lang kasi sanang malaman kung alam mo kung anong balita kay Nathan"
"Si Nathan? Bakit hindi ba kayo nagkakausap?" -Dave
"Hindi eh, Magdadalawang linggo na syang hindi nagmessage o sumagot man lang sa mga messages at calls ko"
"Nako Dex pasensya na wala din akong balita, Subukan mong tanungin si Tita Emman baka alam nya" -Dave
"Yun na nga din eh wala si Tita"
"Ganito nalang kapag nag message sakin si Nathan ipapaalam ko agad sayo" -Dave
"Sige, Sige Salamat. Nag-aalala lang kasi ako"
Tumayo na din ako at nagpaalam na sa kanya, Kahit pala mga kaibigan ni Nathan hindi din alam kung anong nangyari sa kanya, Hinatid naman ako ni Dave palabas sa kanila.
"Dave salamat sa time hindi na din ako magtatagal, Una na ako"
"Sige ingat" -Dave
Maglalakad na sana ako pero bigla syang nagsalita.
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...