MARK'S POV
Salamat sa tulong ni Dex at naging maayos ang pakiramdam ko, Ngayon handa na akong makausap si Sheena. Marami akong gustong itanong at malaman sa kanya na Hanggang ngayon ay gumugulo padin sa isipan ko.
Kinuha ko agad yung Cellphone ko para tawagan si Sheena, Sinagot naman nya agad."Sheena please mag-usap naman tayo, Hindi ako sanay na wala ka at magkagalit tayo"
"Sige Mark mag-usap tayo para matapos na" -Sheena
"Anong matatapos?"
"Mark magkita nalang tayo mamaya, Itetext ko sayo yung address kung saan" -Sheena
"Sige Sheena salamat, Mahal na mahal kita"
Magsasalita pa sana ako kaya lang pinatay na nya agad.
Kailangan maging okay kami ni Sheena, Simpleng away at hindi pagkakaunawaan lang to alam kong malalampasan namin to. Alam kong mahal din ako ni Sheena kaya kumpyansa akong magakakaayos din kaming dalawa."Mark ayos kana ba?" -Mama
"Opo ma"
"Ano ba kasing nangyari anak? Sabihin mo sakin makikinig ako" -Mama
"Ma meron po kasi kaming hindi pagkakaunawaan ni Sheena"
Lumapit sakin si Mama at inayos yung buhok ko.
"Mark anak, Kasama talaga yan sa relasyon. Kung talagang mahal nyo ang isat-isa magkakaayos at magkakaayos kayong dalawa" -Mama
Tama si Mama ayon naman talaga ang importante sa dalawang nagmamahalan ang Mahal ang isat-isa. Dahil kapag mahal nyo ang isat-isa magiging matibay ang pag-iibigan nyo dahil dalawa kayong bumuo ng isang relasyon na kahit anong mangyari ay hindi nyo hahayaang masira.
DEX'S POV
Kailangan kong makausap si Sheena pero paano? saan ako maguumpisa? Naawa ako kay Mark dahil mahal na mahal nya si Sheena pero sa kabila nito ay niloloko lang pala sya.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ha?"
"Dan ikaw, pala yan"
"Tungkol bayan sa Emergency nung isang gabi?" -Dan
"Oo eh"
"Kung ano man yan sigurado ako na malalampasan mo yan" -Dan
"Sana nga, Pero maiba tayo kamusta pala yung Birthday Celebration mo nung isang gabi?"
"Ayon masaya, Pumunta yung mga dati kong kaibigan. Nag kwentuhan, kainan pati inuman din" -Dan
Dahil sa napuyat nga ako kaka bantay kay Mark ay hindi nadin ako nakapasok kahapon kaya hindi kona din nakausap si Dan.
"Wow mukhang masaya yung Birthday mo saya hindi ako nakapunta, Sorry talaga"
"Wala yon, Syempre alangan naman unahin mo ako kesa sa emergency na sinasabi mo" -Dan
Bigla tuloy akong nalungkot sa sinabi nya, Papunta naman na talaga ako dapat sa birthday nya kaso Mas pinili kong puntahan si Mark dahil mas kailangan nya ako.
"Sorry talaga, Babawi nalang ako sayo next time"
"Haha sabi mo yan ha?" -Dan
"Oo haha"
Nagkwentuhan pa kami ng matagal ni Dan.
Masaya ako dahil kahit paano may nakakausap ako na tulad nya.Pagkauwian ko ay tinawagan ko agad si Miles, Kailangan ko ang tulong nya para makita at makausap ko si Sheena.
"Hello ne asan ka?"
"Nasa school bakit?" -Miles
"Nandyan ba si Sheena ngayon sa school nyo?"
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
FanfictionHindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaib...